Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaIloko
   

BUONG-BUONG ITINATAGUYOD NG PARTIDO AT MGA MANDIRIGMA NG BHB ANG TIGIL-PUTUKAN NGAYONG KAPASKUHAN

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Disyembre 18, 2001

Walang batayang pang-iintriga lamang ang pahayag ni Gen. Eduardo Ermita na hindi alam ng NDFP negotiating panel ang kalagayan ng mga rebolusyonaryong pwersa sa batayang antas o na hindi nagkakaisa ang NDF sa usapin ng pagpapatuloy ng pakikipag-usapang pangkapayapaan sa GRP. Sinisira lamang nito ang pagsisikap ng iba't ibang mga pwersa na likhain ang mahusay na kundisyon para sa usapang pangkapayapaan.

Ang order para sa tigil-putukan mula Disyembre 15, 2001 hanggang Enero 6, 2002 ay inilabas ng NDF sa ngalan ng Partido at BHB. Ang Komite Sentral at Komisyong Militar ng Partido ay nag-isyu ng katulad na order sa mga mandirigma ng BHB.

Alinsunod sa order na ito, hindi maglulunsad ng mga taktikal na opensiba ang BHB sa darating na Disyembre 26, 2001, ang araw ng ika-33 anibersaryo ng muling pagtatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas. Taliwas ito sa sabi-sabi ni Ermita at ng AFP. Sa halip, gugunitain ito ng mga komunista at rebolusyonaryong Pilipino sa kanayunan at kalunsuran sa pamamagitan ng mga pagtatanghal, pulong at mga pag-aaral.

Gayunpaman, nananatiling nakaalerto ang lahat ng yunit ng BHB na ipagtanggol ang sarili sa panahon ng tusong pananalakay ng AFP.

Binabalaan namin ang mga pwersa ng AFP na maglulunsad ng operasyon sa ngalan ng "pagpapatrulya" na huwag pumasok sa mga teritoryo ng BHB. Ang ganitong mga operasyon ay sadyang nagsasapanganib sa tigil-putukan.###



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.