Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaIloko
   

Pagbati sa deklarasyon ng rehimeng Macapagal-Arroyo ng tigil-putukan sa Kapaskuhan

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Disyembre 10, 2001

Binabati namin ang deklarasyon ng rehimeng Macapagal-Arroyo ng tigil- putukan mula ngayong araw hanggang Enero 6, 2002 bilang tugon sa nauna nang idineklara ng Partido Komunista at NDFP ng tigil-putukan mula hatinggabi ng Disyembre 15 hanggang hatinggabi ng Enero 15. Ang deklarasyon ng PKP at NDFP ng tigil-putukan ay magkakabisa oras na matanggap ng NDFP negotiating panel ang upisyal na kautusan ni Macapagal-Arroyo para sa katulad na tigil-putukan.

Isang mabuting bagay ang sabayang deklarasyon ng tigil-putukan sa mga sumusunod na kadahilanan.

  1. Magdudulot ito ng malaking kaginhawahan sa mamamayan sa mga lugar na dumaranas ng matinding militarisasyon at pang-aabuso sa kamay ng AFP. Mula Hunyo 2001, walang-kaparis na pananalasa ang tinamo ng mamamayan laluna sa kanayunan ng Mindoro, Laguna at iba pang lugar na kinonsentrahan ng mga opensibang operasyong militar.
  2. Mabibigyang pagkakataon ang lahat na magbigay ng tulong sa mga biktima ng matinding militarisasyon, kabilang ang daan- daang mga Mangyan na sapilitang pinalikas sa kani-kanilang mga lugar. Maganda ring pagkakataon ang tigil-putukang ito upang maimbestigahan ang mga pang-aabuso at papanagutin ang mga maysala.
  3. Magbibigay-daan ang pagpapalaya sa mga bihag ng digma ng BHB na sina Sarhento Jeremias Rosete, Jr., Pepito S. Simbulan, Wilfredo C. Maldecir at Herminia E. Sorongon. Sila�y kasalukuyang nasa pangangalaga ng Valentin Palamine Command ng BHB sa Far South Mindanao Region. Hinihikayat namin ang mga kinauukulan na kaagad makipag-ugnayan sa NDFP negotiating panel para maiproseso ang kanilang mabilis at maayos na paglaya. Inaasahan namin na tutumbasan ng gubyerno ang goodwill measure na ito sa pamamagitan ng pagpapalaya rin ng mga bilanggong pultikal.
  4. Mabibigyang-daan ang pagbubuo ng Joint Monitoring Committee upang subaybayan ang pagsasakatuparan ng mga probisyon ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHIHL).

Inaasahang makalilikha ang mga pangyayaring ito ng mainam na atmospera para sa panunumbalik at pagpapabilis ng prosesong pangkapayapaan, na natigil dahil sa di-makatwirang prekondisyon ng rehimeng Macapagal- Arroyo na itigil ng BHB ang pagpapatupad ng mga makatarungang kapasyahan ng mga hukumang bayan sa ilalim ng rebolusyonaryong pamahalaan. Kaugnay nito, kalugud-lugod ang inanunsyo ng NDFP at GRP panel na maitutuloy na rin ang usapang pangkapayapaan sa Enero 7, 2002.

Sa panahon ng tigil-putukan, titigil ang paglulunsad ng hukbong bayan ng mga opensibang operasyon laban sa AFP, PNP at mga pwersang paramilitar ng mga ito at malayang makadadalaw ang mga pwersa ng mga ito sa kani-kanilang mga kamag-anak. Ngunit mananatili ang mga yunit ng BHB sa pusisyong makapagtatanggol-sa-sarili at alerto sa mga pagkilos at pagtraydor ng reaksyunaryong sandatahang pwersa, tulad ng madalas na naging karanasan sa nakaraan.###



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.