Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaIloko
   

SI GLORIA MACAPAGAL-ARROYO MISMO ANG UTAK AT PASIMUNO NG MALAWAKANG TERORISMONG MILITAR SA TIMOG KATAGALUGAN AT SA BUONG BANSA

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Disyembre 04, 2001

Mariing kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng buong rebolusyonaryong kilusan si Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpapatupad at pagpapalaganap nito ng malawakang terorismong militar sa Timog Katagalugan at sa buong Pilipinas.

Ang pinakabago sa serye ng mga pamamaslang ng mersenaryo at teroristang AFP at PNP ay ang masaker sa Casunugan San Isidro, San Jose, Antipolo City at sa Pantabangan, Nueva Ecija at ang pamamaslang ng mga elemento ng Task Force Banahaw kay Felipe Lapa, pangulo ng unyon ng mga manggagawa sa Milagros Farms sa Nagcarlan, Laguna.

Si Ka Felipe ay isang masigasig, matapat at masipag na lidermanggagawa sa Milagros Farms. Dahil sa pagiging aktibo niya sa unyonismo at sa pagtulong sa iba pang mga sektor, siya ay pinag-initan ng mga elemento ng kilabot na Task Force Banahaw (TFB), mga �inaalagan� nitong mga �ex-NPA� at iba pang masasamang elemento na ginagamit ng TFB sa panggigipit at pananakot nito sa mamamayan sa Laguna. Ginagamit din ng mga ito ang pangalan ng BHB sa kanilang pangingikil. Ilang ulit pinagtangkaan ng TFB ang buhay ni Ka Felipe. Noong Oktubre 25, nagtagumpay na ang mga berdugo at terorista ni Macapagal-Arroyo na kitlin ang buhay ng isa pang huwarang lider-manggagawa at tunay na rebolusyonaryo.

Kauupo pa lamang ni Macapagal-Arroyo ay palihim na nitong ipinagutos (sa pamamagitan ni Gen. Angelo Reyes) ang pagpapatuloy ng malawakang opensibang militar sa mga larangang gerilya ng BHB upang magkaroon umano ang gubyerno ng bentahe sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan nito at ng NDFP. Ipinagpatuloy ng papet na rehimen ang kontra-rebolusyonaryong Campaign Plan Makabayan/Balangai ng rehimeng Estrada sa kabila ng pangangalandakang pinalitan na nito ng all-out peace ang all-out war ni Estrada.

Nitong Oktubre 1, sa pagbisita ni Macapagal-Arroyo sa Mindoro, tahasan niyang inendorso ang malawakang operasyong militar ng AFP at PNP sa dalawang lalawigan ng Mindoro at sa buong Timog Katagalugan. Sadyang pinadagdagan pa niya ang dating limang batalyon ng AFP at PNP sa Oriental Mindoro. Kaya may anim nang batalyon dito bukod pa sa isang task force ng Philippine Navy, ang Naval Task Force 31 (NTF31) na isinailalim na sa operational control ng 204th Bde (ang command ng AFP sa Mindoro at Romblon). Bilang dagdag na suporta sa mga ito, ipinagutos din ni Macapagal-Arroyo ang pagtatalaga ng Army Engineering Battalion sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro.

Kaya naman kabi-kabila ngayon ang pamamaslang at iba pang anyo ng terorismong militar sa Oriental Mindoro na tuwirang inisponsor mismo ni Gloria Macapagal-Arroyo. Mahigit 95 kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang naganap na sa Timog Katagalugan sa unang siyam na buwan ng panunungkulan ni Macapagal-Arroyo. Kabilang sa mga biktima ang daandaang internal refugees, na karamiha�y mga katutubong Mangyan.

Ipinatutupad ng rehimeng Macapagal-Arroyo, sa pamamagitan ng AFP at PNP at mga pwersang paramilitar, ang sistematikong patakaran ng paghahasik ng terorismo sa pamamagitan ng Campaign Plan Balangai. Daladala nito ang oryentasyong �Back To Basics�, ang kontrarebolusyonaryong doktrinang US na nagsasaad ng paggamit ng lantay militar at pinakabrutal na pagsupil sa mga rebolusyonaryong pwersa at mga sibilyang kapanalig o kumakandili sa mga ito.

Dahil sa oryentasyong ito, sinasadya at tinitiyak ng mga yunit ng teroristang AFP at PNP ni Macapagal-Arroyo na sa bawat engkwentro sa pagitan ng AFP-PNP at BHB ay may madadamay na mga sibilyan. Kung wala namang nagaganap na mga labanan, nandudukot at nanghuhuli ang AFP at PNP. Ang mga kawawang biktimang sibilyan ay sinasalbeyds, permanenteng itinatago o walang habas na pinapuputukan at pinalilitaw na namatay sa mga labanan sa pagitan ng AFP o PNP at ng mga yunit ng BHB.

Layunin ng ganitong terorismo na maghasik ng lagim sa hanay ng mamamayan sa kanayunan upang huwag nang tangkilikin ang BHB.

Tulad ng pinatalsik na si Estrada, malinaw na ipinakikita ni Macapagal-Arroyo ang kanyang pagtutulak ng terorismong militar sa kanayunan at ang kanyang pagiging asal-tuta sa kanyang �todo-todong suporta� sa digmang agresyong pinangungunahan ng US laban sa Afghanistan.

Sa harap ng lahat ng ito, dapat na sama-samang tutulan at labanan ng mga pwersang demokratiko at progresibo ang terorismong militar na ineendorso mismo ni Macapagal-Arroyo. Ang mga pangunahing pwersang nagluklok kay Macapagal-Arroyo ay dapat ngayong muling magbuklod at kumilos upang siya�y harapin at papanagutin sa kanyang katampalasanang sa sambayanan.###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.