Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino English
   

Tutulan at labanan ang terorismo at jingoismo ng imperyalismong US at ang walang kahihiyang pagpapakapapet dito ng rehimeng Macapagal-Arroyo!

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Setyembre 17, 2001

Walang-pasubaling tinutuligsa at nilalabanan ng Partido ang terorismo at jingoismo ng imperyalismong US. Ginagamit ni Presidente George W. Bush ang bandera ng �digma laban sa terorismo� upang muling magpakawala ang US ng sariling teroristang digma na papatay at magpapahirap sa higit na mas marami pang mamamayan at yuyurak sa pambansang soberanya ng sasalakayin nitong mga bayan.

Nitong nakaraang limang dekada, ang mga teroristang pananalakay ng US sa iba�t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang pananalakay nito sa Iraq noong 1990, ay direkta at di direktang nagresulta sa pagkasawi ng milyun-milyong mamamayan bunga ng pambobomba at panggigipit nito sa mga sentro ng sibilyang populasyon.

Sa bulag na kagustuhang makaganti, patuloy na nanunulsol at nangangalap ng pandaigdigang suporta si Bush para sa pagsalakay ng US sa bansang Afghanistan, na pinaghihimpilan ni Osama bin Laden. Si bin Laden, na dating sugo ng Central Intelligence Agency (CIA) ng US sa rebelyon laban sa gubyernong Afghanistan noong dekada 1980, ang siyang itinuturo ngayon ng gubyernong US na nasa likod ng mga pananalakay sa New York at Washington DC.

Gusto rin ng US na samantalahin ang sitwasyon upang muling salakayin na rin ang Iraq. Bahagi ng paghahanda sa digmaan, nagpwesto na si Bush ng mga barkong pandigma ng US sa Persian Gulf at ipinatawag na niya sa aktibong serbisyo ang 35,000 reserbang pwersa ng US Armed Forces.

Kinukundena at nilalabanan din ng Partido ang asal-aliping pagdedeklara ng �lubusang pagsuporta� ng rehimeng Macapagal- Arroyo sa militarismo ng imperyalismong US. Walang kahihiyang iwinawasiwas ni Macapagal-Arroyo ang kanyang pagiging masugid at tapat na tuta ng imperyalismong US. Walang kaabug-abog nitong binalewala ang makasaysayang paglaban ng mamamayang Pilipino laban sa mga base militar at patuloy na paglaban para sa pambansang kalayaan.

Hindi pa man hinihiling, inialok na ng rehimen ang muling paggamit sa dating mga base militar sa Subic at Clark Field bilang lunsaran ng digmang agresyon ng US. Walang kurap din nitong idineklara ang �kahandaan� ng kanyang rehimen na magpadala ng mga tropang Pilipino para sumuporta sa teroristang gerang ilulunsad ng US.

Ang pagtutol at paglaban ng Partido sa inilulunsad ng US na imperyalistang gera ng agresyon sa ibang bansa ay buhat sa pambansang patakarang panlabas na nakaangkla sa pambansang soberanya at kasarinlan at alinsunod sa limang prinsipyo ng pakikipamuhay ng mga bansa: mutwal na respeto sa teritoryal na integridad, di pagsasalakayan, di pakikialam sa mga internal na usapin ng ibang bansa, pagkakapantay-pantay at mapayapang pakikipamuhay. Lalabanan ng Partido ang mga paglabag sa mga prinsipyong ito, tulad ng ginagawa ngayon ng imperyalismong US at gaya-gayang ginagawa rin ng rehimeng Macapagal-Arroyo.###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.