Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Hinggil Sa Mga Matagumpay Na Aksyong Militar Sa San Mariano, Isabela At Pagparusa Kay Pvt Marlon Laggui

Victor Servidores
Tagapagpahayag
Fortunato Camus Command
Hilagang-Silangang Luzon
Oktubre 27, 2003

Nagpapahayag ang Fortunato Camus Command, ang Regional Operational Command ng New People's Army sa Cagayan Valley, ng pagpugay at pagkilala sa magigiting na pulang kumander at mga mandirigma ng Reynaldo Pi�on Command, sa matagumpay na taktikal na opensibang inilunsad nito laban sa pinagsanib na tropa ng 53rd Reconnaisance Company ng 5th ID at A Company ng 45th IB sa Bo. Binatog, San Mariano, Isabela nitong ika-25 ng Oktubre.

Sa humigit-kumulang limang oras na labanan, pitong sundalo ng Armed Forces of the Philippines ang namatay at higit na marami pa ang sugatan kaysa sa ipinahayag ng tagapagsalita ng 5 ID PA.

Nagsisinungaling ang 5th ID nang sinabi nitong apat na sundalo lamang ang namatay at anim ang sugatan. Katulad ng pilit nilang pagtatakip sa natamo nilang pinsala noong Marso 27 sa isa ring ambus ng NPA sa Ueg, San Mariano kung saan 17 ang aktwal na namatay.

Inililinaw din namin na walang anumang natamong pinsala ang rebolusyonaryong puwersa, namatay man o sugatan. Naglulubid na lamang ng pantastikong panaginip ang AFP - na sabihing 6 na kasapi ng NPA ang namatay - para pagtakpan ang kanilang matinding pagkabigo at pagkapahiya.

Isa na naman itong pruweba sa kakayahan ng NPA na pangibabawan ang superyoridad ng AFP sa bilang ng puwersa at sa lakas ng kagamitang militar. Nagtatamasa ang NPA ng mainit at mahigpit na suporta ng masa, kaya anumang limitasyon sa kagamitan at bilang ng puwersa ay napupunan; ang mga hirap at balakid ay napangingibabawan at nalalagpasan.

Hinggil sa pagparusa kay Marlon Laggui

Inililinaw namin na si Pvt. Marlon Laggui, pinarusahan ng NPA-RPC noong Oktubre 15, ay isang regular na elemento ng AFP, taliwas sa pinapalitaw ng pamunuan ng 5th ID na siya ay isang non-combatant. Siya ay nasa talaan ng mga lehitimong target ng aksyong militar ng NPA dahil di lamang simpleng regular na kasapi ng 45th IB kundi matagal na siyang gumagampan ng gawaing aktibong pag-eespiya at paggigiya sa mga operasyong militar, isang kontra-rebolusyonaryong krimen na pinapatawan ng parusang kamatayan.

Noong nasa katayuang paramilitar pa lamang si Marlon Laggui, hindi lingid sa kanyang mga kapamilya at mga kababaryo na hindi lamang minsan na siya'y binalaan at hinikayat ng mga kasama na tumigil sa gawaing pag-eespiya at sa paggagayd sa mga operasyong kombat sa San Mariano. Binigyan siya ng maraming pagkakataon na paulit-ulit niyang nilabag. Hindi rin niya sinunod ang pagtanggal sa pagiging CAFGU, imbes, pumasok siyang regular na AFP.

Pinapalabas din ng AFP na tinortyur si Pvt. Marlon Laggui bago siya maparusahan. Sa ulat-koresponsal ng RPC, hindi nila tinortyur si Laggui. Mahigpit na ipinagbabawal ng NPA ang paggamit ng tortyur.

Gustong palitawin ng AFP na ang NPA ay lumalabag sa karapatang pantao. Sino nga ba ang lumalabag sa karapatang pantao ng mga mamamayan? Ang sumusupil sa karapatang malayang magpahayag, mag-organisa, mag-mobilisa at magprotesta? Ang walang-habas na nagpapasabog ng mga howitzer sa bukirin ng mga masa sa Baliao, Benito Soliven noong Hulyo 27 2002, at nitong katatapos na labanan sa Binatog, San Mariano? Ang dumudukot, nananakot, nanonortyur at pumapatay ng mga lider-magsasaka at mga sibilyan? Ang pumutol ng kamay ni Ka Brando matapos nilang mapatay sa Digusi, Buyasan, San Mariano noong Marso 25, 2003?

Ang AFP ay may madugong rekord sa usapin ng karapatang pantao. Ito ang berdugo ng karapatang pantao. At lalo pang nagiging mabangis ang pagiging berdugo nito, sa udyok ng reaksyonaryong rehimen at ang amo nitong imperyalismong US, sa pagsupil sa batayang karapatan at demokratikong interes ng mamamayan. Hindi nito kinikilala ang mga Alituntunin ng Digma na itinatadhana ng mga internasyonal na mga batas ng digma; sa Protocol I and II ng Geneva Conventions; at sa mga probisyon ng Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na pinirmahan noong kauupo pa lamang si Pres. Estrada.

Ang CPP-NPA ay may dalisay at dakilang simulain - ang pagpawi ng pagsasamantala ng tao sa kapwa tao - kasama na rito ang pagtalima sa mga Alituntunin ng Digma at mahigpit na pagkilala at pagtaguyod sa karapatang pantao at demokratikong interes ng mga mamamayan. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.