Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Lubusang makatarungan ang pagpawi ng utang ng mga magsasaka nang makabawi sila sa matinding pinsala ng bagyong "Harurot"

Victor Servidores
Tagapagpahayag
Fortunato Camus Command
Hilagang-Silangang Luzon
Agosto 13, 2003

Mahigit isang bilyon ang halaga ng produktong agrikultural na napinsala ng bagyong Harurot. Tinatayang 85% ng mais at palay ang hindi na mapapakinabangan habang 100% naman ang nasira sa saging.

Kagaya ng dati, hindi nagpakita ng kahandaan ang reaksyonaryong gubyerno. Halos isang buwan na ang nakakaraan, hanggang sa ngayon ay nagkakasya lamang sa kakapiranggot na relief. At nagmamakaawa pa ang lokal na gubyerno sa anumang biyaya ng Malacanang. Sa probinsya ng Isabela ay nagpamudmod ng isang libong sako ng bigas na hahatiin sa 37 na bayan. Paano kaya pagkakasyahin ang 20 kaban sa bawat munisipyo? Kaya hindi nakapagtataka na balot na naman ng kontrobersya ang pamumudmod ng relief na sa bawat andana ng burukrasya ay saklot ng katiwalian at korupsyon.

Nitong huli ay nag-anunsyo na bibili ang lokal na gubyerno ng binhi bilang pantulong diumano sa mga magsasaka. Mas mabilis pa sa alas kuatro ay nagunahan na ang negosyante ng mga imperyalistang binhi sa pagkopo ng kontrata ng binhing itinataguyod ng lokal na gubyerno. Panibagong lundo na naman ito ng ganansya mula sa binhi at kaakibat na abono, pestisidyo at herbisidyo � sa ibayong kapinsalaan ng mga magsasaka.

Yayamang matagal nang kumikita at bawing-bawi na ang mga komersyante-usurero sa kanilang pagnenegosyo ng binhi, abono, pestisidyo at iba pang produktong agrikultural,lubusang makatarungan ang panawagan ng mga magsasaka na pawiin ang utang ng mga magsasakang napinsala ng bagyo ang kanilang kabuuan o bahagi ng ani.

Higit ding makakaluwag sa mga magsasaka na babaklayin na ng reaksyonaryong gubyerno ang gastusin sa produksyon lalo na sa binhi, abono at pestisidyo. Anumang dagdag na pautang ng gubyerno, ay makakabuting ito ay ituring nang subsidyo na hindi na kailangang bayaran upang pansamantalang makaginhawa sa mga magsasaka. Pagkilala na rin sa kanilang matagal na ipinakitang pagpapakasakit bilang tagapagpaluwal at nagtitiyak ng kaseguruhan natin sa pagkain.

Sa paglutas ng suliranin ng mga magsasaka, hindi kakayaning tugunan ng relief, subsidyo o tulong teknikal ang suliranin ng usura at tumitinding krisis sa kabuhayan at ng sektor ng agrikultura.

Higit nang nalalantad sa ngayon ang kahungkagan ng mga hakbangin at ng gobyerno mismo. Iwas-pusoy at tahimik ito sa usapin ng malalim na pagkakabaon sa utang ng mga magsasaka.

Ano nga ba ang pagturing sa gubyernong wala ni katiting na pagsasaalang-alang sa kalunus-lunos na kalagayan ng mga magsasaka? Na lubusang hinahayaan nitong magtamasa ng higanteng tubong-lugaw ang mga lokal na komersyante-usurero at mga malalaking industriya ng binhi katulad ng Monsanto, Syngenta at iba pa?

Higit kailanman ay lalong naghuhumiyaw ang pangangailangang panghawakan mismo ng batayang masa, ng mga manggagawa�t magsasaka, ang pagsusulong ng mga batayang pagbabago sa pamamagitan ng pag-agaw sa kapangyarihang pampulitika sa pamamagitan nang ganap na matamasa ang kaginhawaan, disenteng pamumuhay, kaseguruhan sa pagkain, na hindi lamang para sa kaginhawahaan ng iilan kundi ng buong mamamayan - panahon man ng kalamidad o kawalan ng kalamidad.###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.