Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Dinastiyang Dy at AFP ang pumaslang kay Jake Soriano

Victor Servidores
Tagapagpahayag
Fortunato Camus Command
Hilagang-Silangang Luzon
Mayo 16, 2003

Nakikidalamhati kami sa buong pamilya at mga kaibigan ni Ginoong Joaquin 'Jake' Soriano, Chairperson ng Bayan Muna-Jones, at kaibigan ng mamamayan, na pinaslang ng mga mersenaryong alagad ng AFP sa utos ng kinamumuhiang dinastiya Dy noong May 15, 2003 sa kanyang tahanan sa San Vicente, Jones, Isabela.

Kinokondena ng Fortunato Camus Command ang malisyosong pag-ugnay sa rebolusyonaryong kilusan sa pagkamatay ni G. Soriano. Para sa kaalaman ng lahat, walang rekord si Soriano laban sa mamamayan at sa rebolusyon. Sa proseso ng rebolusyonaryong hustisya, kailanman ay hindi mangingiming akuin ng Bagong Hukbong Bayan ang pananagutan sa anumang pagpaparusang isasagawa nito. Lagi rin itong nakahanda na ilahad sa publiko ang batayan ng anumang pagparusa.

Tanging ang Dinastiyang Dy na kinakatawan ni Faustino Dy, Jr. ang may motibo upang paslangin si G. Soriano.

Una, matatandaang buong tapang na sinuportahan ni Jake Soriano ang kandidatura ni Dr. Siony Abaya, laban sa kandidato ng dinastiya na si Atty. Georgidi Aggabao. Umakto siyang campaign manager ni Dr. Abaya sa Jones. Sa proseso ng kampanya, hindi siya natakot na tumuligsa sa naghaharing dinastiya. Sa resulta, nanalo si Dr. Abaya sa Jones, bagay na di matanggap-tanggap ng dinastiya.

Pangalawa, bilang chairperson ng Bayan Muna-Jones, isang ligal na progresibong partido na nagsusulong ng demokratikong interes ng mamamayan. Noong nabubuhay pa, aktibo at buong sikap na inilapit ni Jake Soriano sa mga halal na kongresista ng Bayan Muna ang mga proyektong alam niyang makapaglilingkod sa masa.

Sa kasalukuyan, lantarang sinusupil ng mga naghaharing uri at reaksyunaryong gubyerno ang sinumang progresibong organisasyon o partido na naglalantad at tumutuligsa sa kontra-mamamayang mga patakaran at programa ng gubyerno. Dito sa probinsya, galit si Gobernador Dy sa mga progresibong organisasyon katulad ng Bayan Muna, na tumututol at naglalantad ng kanyang mga kontra-mamamayang mga proyekto.

Ikalawang kasapi ng Bayan Muna-Cagayan Valley si Jake Soriano na pinaslang ng mga elemento ng AFP sa ilalim ng administrasyong Dy. Naunang dinukot at pinatay si Warlito Nagasao, taga-Villa Campo, Bayan Muna Coordinator sa Forest Region ng Echague noong Marso 2002.

Mahigpit naming kinokondena ang karumaldumal na pagpaslang na ito. Sadyang ang nabubulok at naghihingalong dinastiya ni Dy lamang ang makasisikmurang lantarang gumamit ng pandarahas, panlilinlang at pandaraya upang makapanatili sa kapangyarihan.

Isa itong saywar upang maghasik ng takot sa mamamayan. Batid ng administrasyong Dy na bilang na ang kanyang araw sa kapangyarihan. Nararamdaman nito ang papalakas na diskuntento ng mamamayan sa mapangahas na mga kilos-protesta at pamamahayag. Sa desperasyong takutin ang mamamayan at pigilan ang kanyang pagbagsak, buong kahayupang ginagamit nito ang militar upang paslangin ang kanyang mga kalaban.

Nagbuwis ng buhay si Jake Soriano sa paglaban niya sa Dinastiya. Nanawagan kami sa mamamayan na huwag matakot at pagbayarin ang Dinastiya sa kanyang kasakiman, paghahasik ng karahasan at pandaraya sa halalan. Sapagkat gamit man ni Dy ang mga bayarang militar, hindi nila mauubos ang mamamayan na siyang mapagpasya sa pagtakbo ng kasaysayan.#

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.