Tungkol sa mga POW na hawak ng Valentin Palamine Command
Dencio Madrigal Kumander Valentin Palamine Command Regional Operational Command New Peoples Army-Far South Mindanao Region
Setyembre 16, 2001 Aming inaako ang responsibilidad sa pagdakip sa pinagdududahang apat katao na naniniktik sa rebong armadong kilusan sa kabundukan ng Columbio, Sultan Kudarat. Itong mga tao ay nakilalang sila Sarhento Jeremias Rosete, Pepito S. Simbulan, Wilfredo C. Maldecir, at Herminia E. Sorsongon.Nadakip sila sa akto nang pagpapatupad sa kanilang misyon ng paniniktik sa pamamaraan ng pagkukunwaring NPA mula sa Front 73. Nangyari ito nuong Setyembre 4, 2001.
Napag-alaman itong kanilang mga kontra-rebolusyonaryong aktibidad mula sa ulat ng malapad na ugnay ng masa para sa rebolusyonaryong kontra-paniktik. Nakuha mula sa kanila ang mga IDENTIFICATION CARD nagpakilala sa kanilang mga trabaho bilang mga myembro ng ahensya ng paniniktik sa AFP. Nakuha din mula sa kanila ang isang Nokia Cellphone, isang pistola, at dalawang DT motorcycle.
Walang dapat ipag-alala sa kanilang kalagayan. Hanggang sa makakaya aming ipatutupad ang batas kaugnay sa mga BIHAG SA DIGMA at ibibigay sa kanila ang kanilang mga karapatan. Mayroon nang malinaw na instruksyon itong Command sa custodial forces na siyang humahawak sa kanila.
Samantalang wala pang kautusan sa pagpapalaya, handa kaming tumanggap ng mga reklamo sa mamamayan kaugnay ng kasong kriminal na isasampa laban sa mga bihag. Ang Command ay tutulong sa sinumang inabuso ang karapatan ng mga tao na makakuha ng hustisya mula sa Hukumang Bayan. Ang paniniktik kung mapapatunayan ay walang pag-aalinlangan ay makatumbas na parusang kamatayan.
Back to top
|