Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Paggawad ng Rebolusyonaryong Hustisya kay Retired Lt. Col. Ramon Claros ng PNP

Jose Buenaobra
Spokesperson
Romulo Jallores Command
New People's Army
Marso 15, 2004

Nagwakas na ang pamamayagpag at pagtakas sa kanyang mga krimen ni Lt. Col. Ramon Claros, retiradong upisyal sa paniktik ng PNP. Ipinatupad ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Romulo Jallores Command ang parusang kamatayan sa pusakal na dating upisyal sa paniktik sa Bgy. Concepcion Peque�a, Naga City noong Marso 14.

Si Lt. Col. Ramon Claros ay ginawaran ng parusang kamatayan dahil sa kanyang mga utang na dugo sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan 15 taon na ang nakaraan. Si Claros (na may ranggong Major noon) ang namuno sa pagdukot at pagpatay sa mga aktibistang sina Nona Sta. Clara, Angelina Llenaresas, Lauro Velasquez, at isa pa nilang kasama noong Abril, 1989 sa Sta. Cruz, Naga City. Hanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan ang mga labi ng mga aktibistang dinukot at pinaslang.

Kahit nagretiro na sa PNP, aktibo pa rin si Claros sa Counter Insurgency (COIN) Operation ng PNP at tumutulong sa mga ahensya sa paniktik sa Naga City at Camarines Sur. Maging ang mga aktibidad ng ligal at progresibong mga organisasyon sa Naga City at Camarines Sur ay minamanmanan din ni Col. Claros.

Si Lt. Col. Ramon Claros ay sangkot din sa maraming krimen kabilang na ang negosyo ng iligal na droga at kidnapping-for-ransom. Isa siya sa mga utak sa pagdukot at pagpatubos ng malaking halaga kapalit ng paglaya ng kapamilya ng negosyanteng si Co Say may ilang taon na ang nakaraan.

Matagal nang hinihiling ng mga pamilya, kamag-anak, at kaibigan ng mga aktibistang pinaslang ang katarungan para sa kanilang mga mahal sa buhay ngunit inutil ang PNP at AFP na tukuyin, arestuhin, at parusahan ang mga salarin. Matagal na pinagtakpan at binigyang proteksyon ng AFP at PNP ang kanilang tauhan.

Hindi kailanman matatakasan ang rebolusyonaryong hustisya at walang utang na hindi masisingil ang rebolusyonaryong kilusan. Walang lugar na maaaring pagtaguan o kaya'y ituring na ligtas ang sinumang may malaking kasalanan sa bayan at rebolusyonaryong kilusan. Si Col. Claros ay pinarusahan sa mismong sentro ng reaksyunaryong kapangyarihan sa Naga City mga ilang metro lang ang layo sa Naga City PNP Sub-Station at sa PNP Cam. Sur Provincial Office. Ligtas na nakaatras ang mga pulang mandirigma.

Binabalaan ng Bagong Hukbong Bayan ang mga pusakal na ahente sa paniktik ng berdugong AFP at PNP at mga elementong may mabigat na kasalanan sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan na magbago at itigil ang kanilang mga karumaldumal na gawain tulad ng pagdukot, pagtortyur at pagpaslang sa mga inosenteng sibilyan at sa mga pinaghihinalaang kasapi ng rebolusyonaryong kilusan.

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
Hustisya sa Aping mamamayan!

Kasamang Jose Buenaobra
Tagapagsalita

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.