Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Hinggil sa mga Operasyong Militar ng 42nd IB-PA sa Camarines Sur

Jose Buenaobra
Spokesperson
Romulo Jallores Command
New People's Army
Hulyo 29, 2001

Mahigpit na kinukondena ng Romulo Jallores Command ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Rehiyong Bikol ang walang-tigil na mga operasyong militar ng pasistang AFP sa Kabikulan. Ang AFP ay walang-patlang na naglulunsad ng mga operasyon sa kabila ng panawagan at paghamon nito sa BHB na pansamantalang ihinto ang mga aksyong militar sa rehiyon upang diumano'y tumulong sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Mayon. Paglabag sa sariling hungkag na pagposturang ito ng AFP ang sa aktwal ay walang-puknat na pag-ooperasyon ng mga tropa nito sa mismong probinsya ng Albay.

Kamuhi-muhi rin ang patuloy na pagsakyada ng 42nd IB ng Philippine Army sa Ragay, Camarines Sur. Madaling-araw nitong Sabado, Hulyo 28 ay kinubkob ng Alpha Company ng batalyong nabanggit ang bahay na diumano�y pinaghimpilan ng mga Pulang mandirigma sa Sitio Naposte, Brgy. Amomokpok ng naturang bayan. Nagresulta ito sa pagpatay kay Jesus �Ka Lito� Emeros at pagkahuli kay Matias Rafael Padilla Din. Si Ka Lito ay tubong Brgy. Baya, Ragay at diumano'y isang mandirigma ng BHB. Si Matias Padilla Din naman, 20 taong gulang, ay isang dating mag-aaral ng Mechanical Engineering sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lunsod ng Quezon.

Habang nananawagan sa BHB ang pamunuan ng AFP dahil sa �Operasyon Mayon,� ang 42nd IB na pinamumunuan ng berdugong si Col. Danilo Lim ay nagkakasa naman ng mga operasyon laban sa BHB. Sa anong dahilan taliwas ang galaw nitong si Col. Lim sa atas ng reaksyunaryong gubyernong sibil at kanyang mga upisyal? Maaalalang itong si Col. Lim, na pinagtapos sa imperyalistang akademyang pangmilitar na West Point, ay kasapi ng RAMSFP- YOU na naglunsad ng mga kudeta laban sa rehimeng Aquino. Kasamahan din ito ng dating Koronel at naging Senador na si Gringo Honasan na kaalyado ng pinatalsik na dating Pangulong Estrada at sa ngayon ay tumatayo sa hanay ng oposisyon laban sa gubyernong Macapagal-Arroyo. Subalit masahol pa rito, si Lim ay may utang na dugo sa rebolusyonaryong kilusan. Isa lamang sa kanyang mga kaso ang pagtortyur at pagpatay sa isang kadre ng Bagong Hukbong Bayan noong siya ay isang tinyente, bandang kalahatian ng dekada �80.

Samantala, ang ipinangangalandakan ng reaksyunaryong AFP na kunwari�y pagtulong sa mga biktima ng bulkang Mayon ay pawang pagpapanggap at panabing lamang sa tangkang linlangin ang mamamayan at ang BHB. Bago pa man makapagbigay ng kahit katiting na tulong sa masa ay buong yabang na silang nagngangangawa sa midya. Ang totoo, sa panahon ng kalamidad, ang atas sa kanila ay pangalagaan ang mga ari-arian ng mga naghaharing uri tulad ng mga bangko, shopping malls, at mga bodega ng bigas at pagkain laban sa masang dumaranas ng grabeng kahirapan at gutom. Ang kunwang �tulong� na paghakot ng mga sibilyan patungo sa evacuation centers ay pagpapatupad lamang sa atas na ito. Ang pagpapanatili ng �katahimikan at kaayusan� ay operasyong �pagkontrol ng mamamayan.� Kayat ang armado at unipormadong presensya nila sa kabayanan ay terorismo na sa masa habang nakaamba ang pasistang hambalos sa minimum na deklarasyon ng �red alert status.�

Kabaligtaran ng kaduda-dudang �civic-actions� ng reaksyunaryong AFP, likas sa katangian at oryentasyon ng BHB ang pagtulong sa mamamayan sa lahat ng pagkakataon, may kalamidad man o wala. Katulong ng mga magsasaka ang BHB upang magkaroon ng sariling sakahan at mapataas ang kita sa produksyon. Gumagampan din ang BHB ng mga serbisyong medikal at dental, mga kampanya sa kalusugan at kapaligiran, kampanya sa edukasyon at literasiya at marami pang iba. Higit sa lahat, katuwang ng mamamayan ang BHB sa rebolusyonaryong paglaban upang ganap na pawiin ang karukhaan at kawalangkatarungan sa bulok na lipunang dulot ng pagsasamantala at pang-aapi ng mga dayuhan at lokal na naghaharing-uring PML at kumprador-burgesya. Magkatuwang sila sa paghawan ng landas tungo sa isang tunay na malaya, demokratiko, makatarungan at masaganang lipunan.

Kung may katotohanan ang ulat na ang nahuli ng 42nd IB-PA na si Matias Padilla Din ay isang kadre ng BHB, may batayan upang ikabahala ito ng mga naghaharing uri at maging ng AFP. Tanda lamang ito ng paglakas ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka na nilalahukan ng paparaming kabataan, kabilang yaong mga nakapag-aral. Ang sa tuwinang paglahok ng kabataan sa pakikibaka ay patunay ng kanilang pakikiisa sa naghihikahos na masang anakpawis, ng kanilang pagiging mapanuri, militante at bukas na tahakin ang landas ng pagbabago. Ang pakikibaka ng kabataan ay hindi nagtatapos sa pagbabagsak lamang ng mga rehimeng tulad ng kina Marcos at Estrada. Tuluy-tuloy ang pagkilos ng kabataan hanggang sa rebolusyonaryong pagbabagsak ng naaagnas na sistema.

Hindi rin mapagtatakpan ng diumano�y mahusay na pag-aalaga at pagtrato ng 42nd IB kay Matias ang likas na pagiging malupit at berdugo nila sa mamamayan tulad ng ginawa nilang makahayop na pagpaslang kay Maria Graziella �Ka Sisa� Miranda noong Hunyo 10. Si Ka Sisa, 25 taong gulang at isang mahusay na kadre ng Partido at BHB sa Guinobatan, Albay, ay isa ring dating mag-aaral sa Kolehiyo ng Musika sa UP Diliman bago nagpultaym sa BHB noong 1998. Nahuli siyang buhay nang salakayin ng 22nd IB ang himpilan ng BHB sa Brgy. Bolulo ng naturang bayan. Kinakatawan ni Ka Sisa ang dakilang layunin ng mga rebolusyonaryong kabataan na mag-ambag sa pagbabago ng lipunan, kung kayat maraming tulad ni Matias ang sumusunod sa kanyang halimbawa.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.