Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Pahayag ng CPP-NPA hinggil sa pagparusa kay Col. Tomas de Armas, hepe ng PNP-Angat

Front Operational Command
New People's Army
Eastern Bulacan
Hunyo 07, 2004

Matagumpay na naigawad ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan o NPA ang parusang kamatayan kay Sr. Supt. Tomas de Armas ngayong ika-6:30 ng umaga sa kanto ng Sta. Cruz (Poblacion), Angat. Si Col. de Armas ay lehitimong target ng operasyong militar ng BHB sa kanyang pagiging sagadsaring kontra-rebolusyonaryo at sa ginawang krimen sa mamamayan. Ang ilan ay ang mga sumusunod:

  1. Si Col. de Armas ay masugid at pangunahing namumuno sa paglaban sa rebolusyonaryong kilusan sa bayan ng Angat. Tuwiran niyang pinamunuan ang maraming operasyong militar laban sa Bagong Hukbong Bayan. Siya ang pangunahing nagbuo ng malawak na lambat-paniktik upang manmanan ang mga yunit ng hukbo na pumapasok sa naturang bayan. Alam ng mamamayan ng Angat ang ginampanang papel ni Col. de Armas sa naganap na maghapong sagupaan ng isang platun na NPA laban sa bata-batalyong tropa ng pasistang PNP at AFP sa Pulong Yantok, Angat at Siling Matanda, Pandi noong Marso 29, 2003. Sa paghahangad na mapataas ang ranggo, kanyang sinubaybayan ang pagkilos ng yunit ng NPA ilang araw bago maganap ang labanan. Sa araw ng labanan mismo, isa siya sa mga opisyal na namuno sa pagsugod sa kinaroroonan ng NPA na sa kasamaang palad ay nagresulta sa malaking pinsala at walang kapantay na kahihiyan sa pulisya at militar.

    Nakatala sa rebolusyonaryong kasaysayan ng bayan ng Angat ang magiting na pagtatanggol ng mga Pulang mandirigma laban sa pag-atake ng pasistang kaaway noong Marso 29, 2003. Nakatala sa bantayog ang pangalan ng mga kasamang martir na nag-alay ng buhay sa araw na iyon, sina Kasamang Arnel San Juan at Norbel Ortega. Sa kabilang banda, nakaukit din ang pangalan ni de Armas bilang isa sa may malaking pananagutan na dapat singilin maging sa pagpapasabog at panununog sa mga kabahayan ng masa sa lugar matapos ang labanan.

  2. Dagdag pang pananagutan ni de Armas ang pagkakasangkot nito sa karumal-dumal na pagtortyur at pagpatay kay Jose Manabat o Ka Fidel. Si Ka Fidel ay ilang araw na pinahirapan sa isang safehouse ng S-2 ng PNP sa Angat dalawang araw matapos ang labanan noong Marso 29, 2003. Halos magkaluray-luray ang katawan ni Ka Fidel nang matuklasan ang kanyang bangkay.

  3. Pangunahing protektor at tumitipak ng malaking delihensya si Col. de Armas sa mala-sindikatong sand quarry operation sa Ilog Angat. Sa ilang taong panunungkulan niya sa PNP Station ng naturang bayan, nakaipon siya ng kayamanan kakutsaba ng mga lokal na burukrata at mga gahamang negosyante sa mapaminsalang paghuhukay at paghahakot ng buhangin sa ilog. Sa kabila ng malakas na pagtutol ng taumbayan at sa kabila rin ng ilang beses nang pagpapasabog ng ating Hukbo sa mga sand quarry equipment, hanggang sa pagpaparusa kay dating Sekretaryo Nilo Santos ay nagpapatuloy ang mapaminsalang operasyon nito dahil sa ibinibigay niyang proteksyon.

  4. At katulad rin ng kanyang mga kabarong opisyales ng PNP at AFP ay may direkta bagamat patago siyang pagsangkot sa operasyon ng sindikato ng iligal na droga. Tumitipak siya ng malaking kita sa pamamagitan ng kanyang �patong� sa mga big-time pushers partikular sa baryo ng Binagbag at iba pang network nito hanggang sa Baliwag.

Magsilbi nawang mahigpit na babala ang pangyayaring ito sa iba pang kagawad at opisyal ng PNP at AFP. Nananawagan kami sa kanila na huwag isubo ang kanilang buhay para lamang ipagtanggol ang gobyerno at ang pulisya�t militar na kasangkapan sa pagpapahirap at panunupil sa mamamayan. Demoralisado na ang inyong hanay dahil sa matinding katiwalian, kabulukan, laganap na kriminalidad at iba pang kontra-mamamayang aktibidad na ginagawa mismo ng inyong mga opisyal at kasamahan. Panahon na para mag-isip. Pangalagaan ninyo ang sariling buhay at huwag isakripisyo ang kinabukasan ng inyong mahal na pamilya.

Hindi target ng rebolusyonaryong kilusan ang mga mapagkaibigang elemento sa hanay ng pulisya�t militar. Bukas kami sa lahat ng nais makipag-ugnayan sa rebolusyonaryong kilusan. Lihim kayong umugnay sa alinmang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa inyong lugar.

Singilin at pagbayarin ang mga may utang na dugo sa hanay ng pasistang pulisya�t militar!

Katarungan para sa lahat ng rebolusyonaryong martir ng sambayanang Pilipino!

Komite sa Larangang Gerilya
Partido Komunista ng Pilipinas (CPP)

Pamatnugutan sa Opersyon
Bagong Hukbong Bayan (NPA)

Silangang Bulakan
7 Hunyo 2004


Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.