Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

PAHAYAG SA PAGPAPARUSA KAY ANTONIO OLIVEROS

Armando "Ka Ruben" Guevarra
Tagapagsalita
Narciso Antazo Aramil Command
New People's Army-Rizal
Nobyembre 22, 2002

Matagumpay na pinarusahan ng mga operatiba ng Yunit Partisano ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-RIZAL) si G. Antonio Oliveros, 43 taong gulang, may dalawang asawa, at nakatira sa Bagong Nayon, Brgy. San Luis, Antipolo City, Rizal. Inisparo siya kaninang 7:30 ng umaga sa kanilang barangay at nakuha sa kanya ng mga operatiba ng NPA ang kanyang kalibre 38 na �service firearm� na may mga bala. Ginawa ang pamamarusa isang kilometro ang layo sa kampo ng 418th PNP Mobile Group sa Antipolo City. Naisagawa ang pamamarusa ilang araw matapos ang peke at pwersahang pagpapasurender sa 145 na magsasaka na pinaghihinalaang rebelde at limang ex-NPA na matagal nang namumuhay nang tahimik at pinaghuhuli ng mga military.

Si Oliveros ay hinatulan ng Rebolusyonaryong Hukumang Bayan ng parusang kamatayan dahilan sa kanyang mga kaso laban sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan:

  1. Sagad-saring kontra-rebolusyonaryo � Si Oliveros ay aktibong nagtatrabaho bilang ahente ng militar na pangunahing sangkot sa kontra-rebolusyonaryong gawi sa lalawigan ng Rizal. Isa siyang bayarang ahente ng militar na nasa payroll ng 16th Intelligence Service Unit-Intelligence Service Group-Philippine Army (16th ISU-ISG-PA) na pinamumunuan ni Capt. Edgardo Cumahig. Kasamahan siya ng dating bihag ng Digma (POW) na si TSgt. Wivino Demol, na nahuli ng NPA sa Rizal noong Pebrero 1998 at pinalaya ng rebolusyonaryong kilusan noong Abril 1999.

    Responsable si Oliveros sa pag-eespiya sa mga pinaghihinalaan ng militar na may kaugnayan sa rebolusyonaryong kilusan. Ilang bahay ng mamamayan sa kanilang lugar ang nireyd ng military dahilan sa kanyang pag-uulat na ang nasabing mga mamamayan ay kasapi ng NPA.

    Pangunahing organisador din siya at tumatayong pinuno ng kontra-rebolusyonaryong grupong GUARDIANS at myembro ng grupong Nationalist Alliance for Democracy (NAD) na pinopondohan ng Rehimeng Macapagal-Arroyo para magpalaganap ng mga kontra-rebolusyonaryong intriga at paninirang-puri sa rebolusyonaryong kilusan. Kasama si Oliveros sa nag-oorganisa ng mga rali ng mga militar laban sa rebolusyonaryong kilusan

  2. Pagiging Pusher ng Iligal na Droga � Si Oliveros ay isa ring talamak na �middle level� na pusher ng Shabu sa komunidad. Gamit ang kanyang posisyon bilang Barangay Liaison Officer ay malayang nakakapagbenta ng shabu si Oliveros sa kanilang komunidad at mga kalapit na komunidad.
  3. Iba pang kontra-mamamayang gawain - Si Oliveros ay isa ring sagadsaring kontra-mamamayan. Gamit ang kapangyarihan bilang barangay liaison officer ay sinasampahan niya ng gawa-gawang kaso ang mga pamilya na lumalaban sa kanya at hindi sumasama sa mga aktibidad ng NAD habang kagyat namang pinapawalang sala ang mga may kaso na kakampi niya.

Ang pamamarusa kay Oliveros ay matagal na sanang naigawad sa kanya pero binigyan pa rin siya ng rebolusyonaryong kilusan ng pagkakataong magpanibagong-buhay subalit sa ilang taong ibinigay sa kanya para iwanan na ang kanyang mga kontra-rebolusyonaryong gawi ay binalewala niya ito. Nagtuloy-tuloy siya sa pagpapagamit sa mga berdugong militar at sa kanyang mga kontrarebolusyonaryo at kontra-mamamayang gawain kung kaya�t naobliga ang rebolusyonaryong kilusan na gawaran na siya ng parusang kamatayan.

Magsilbing babala ito sa mga nagpapagamit sa mga berdugong militar at pulisya bilang mga ahente sa paniktik na tumigil na kayo at maghanap na kayo ng ibang trabaho. Hindi hahayaan ng rebolusyonaryong kilusan na patuloy niyong ipahamak ang kilusan at apihin ang mamamayan. Binibigyan namin kayo ng pagkakataong magbago. Binababalaan din namin ang mga kasapi ng CAFGU sa mga baryo sa lalawigan ng Rizal na huwag kayong magpagamit sa mga militar para apihin at pagsamantalahan ang kapwa ninyo maralita. UMALIS na kayo sa pagiging CAFGU. Ginagamit lang kayo ng militar na pambala sa kanyon dahil ayaw nila na sila ang unang mapipinsala sa paglaban sa NPA kaya�t kayo ang pinauuna sa mga operasyong militar. Lisanin na ninyo ang pagiging CAFGU at inyong pagyamanin ang inyong mga lupang sakahan para mabuhay. Ang pagbalewala niyo sa babalang ito ay maaring humantong sa nangyari kay Oliveros. Hindi niyo matatakasan at aabutin din kayo ng mahabang kamay ng rebolusyonaryong kilusan sa oras na nagpatuloy kayo sa pagpapagamit sa kaaway laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan.

Sa mga ex-NPA, nanawagan kami sa inyo na tigilan na ninyo ang pagpapagamit sa kaaway ng sambayanan. Itigil na niyo ang pagpapagamit sa mga berdugong militar laban sa mamamayan na sinumpaan ninyong paglilingkuran. Makakaasa kayo na mahigpit na susuriin ang inyong mga kaso at sinumang lubusan nang nagpagamit sa kaaway ay mahigpit naming lalabanan. Tulad ng inyong kaalaman, gagawin namin ang lahat ng magagawa para maisakatuparan ang dakilang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan na paglingkuran ang sambayanan at labanan ang lahat ng kontra-mamamayan at kontra-rebolusyonaryong gawain ninuman sa reaksyunaryong gobyerno.

MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG PAMBANSA DEMOKRATIKONG PRENTE NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!
###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.