Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

ISANG MADUGONG INTRIGA ANG PINALALABAS NI COL JOVITO PALPARAN NG 204TH BRIGADE SA PAGPAPAHAYAG NA ANG NAHUKAY NA TATLONG BANGKAY SA BARANGAY VILLA CERVEZA, VICTORIA, ORIENTAL MINDORO AY MGA BIKTIMA NG KALUPITAN NG REBOLSUYONARYONG KILUSAN.

Tirso "Ka Bart" Alcantara
Spokesperson
Melito Glor Command
Southern Tagalog Region
Oktubre 07, 2002

Ang madugong intriga at paninira ni Col. Jovito Palparan ng 204th Brigade ay kabilang sa psychological operations ng AFP upang lumikha ng katatakutan at kaguluhan sa hanay ng rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon at sirain ang ngalan ng BHB sa mamamayan. Muli na namang binubuhay at pinauulit-ulit ng mga opisyal militar at pulis ang ganitong nilubid na kwento sa layuning lumikha ng mapanirang propaganda laban sa rebolusyonaryong pwersa.

Nais dungisan ni Col. Palparan ang magiting na rekord ng rebolusyonaryong kabayanihan nina Ka. Abling, Daniel at Nards na pinalilitaw na pinaslang ng mga kasamahan nila dahil sa hinalang mga deep penetration agent. Ang tatlong kasama ay mga martir ng rebolusyon na walang pagkatakot na ibinuwis ang kanilang buhay para sa simulain ng pambansang demokrasya at interes ng mamamayang api't pinagsasamantalahan. Sila ay sinamang-palad na nasawi sa inilunsad na ambus ng NPA sa isang yunit ng PNPSAF noong Hulyo, 2000 sa Victoria, Oriental Mindoro.

Binigyan sila ng bayaning libing ng mga kasama. Ngunit hinukay at nilapastangan ito ng mga berdugong elemento ng 204th Brigade sa pangunguna ng punong komander nitong si Col Jovito Palparan matapos ituro ito ng nahuling NPA nang di na matagalan ng huli ang sinapit na matinding tortyur at kumbinasyon ng pananakot, pangangako at panlilinlang.

Katawatawa dahil ang pakanang ito ng mga 'eksperto' sa psywar ng AFP ay panis na at nilipasan na ng panahon ngunit patuloy na sinisimot sa basurahan ng kasaysayan. Hindi na ito makakapanlinlang sa mga mamamayan at makakapanira sa hanay ng rebolusyonaryong kilusan. Isa na itong nilulumot na di kapanipaniwalang kwento ng mga opisyal militar sa mga nakaraang dekada.

Simula noong huling bahagi ng 1980 hanggang sa kasalukuyan ay naging paboritong kathang-kwento na ng mga opisyal ng AFP ang ganitong paninira sa kilusang rebolusyonaryo. Subalit tulad ng inaasahan, hindi ito nakapagpahina sa rebolusyonaryong kilusan. Sa halip, patuloy pang lumawak at lumakas kapwa ang armadong pakikibaka at kilusang masa at lalung nag-ibayo ang suporta ng mamamayan para isulong ang makabayan at makatarungang pambansa-demokratikong rebolsuyon.

Hindi mapagtatakpan at mabubura ng mga kasinungalingan ni Col. Palparan ang madugong rekord ng 204th Bde sa mamamayang Mindore�o. Sariwang-sariwa pa sa alaala ng mamamayang Mindore�o ang ginawang pagmasaker ng mga elementong militar ng 204th Bde sa pamilyang Apolinar at mag-asawang Albarillo sa San Teodoro; ng pagpaslang sa lider-kabataan na si Edilberto 'Choy' Napoles, Jr. ng Calapan; Brgy. Capt. Roger Fernando ng Bonbon, Mansalay; Emilio Santillan ng Naujan; at Eduardo Mordido ng Gloria. Ilan lamang ito sa naitalang 82 na insidente at 242 kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao na may kabuuang 1,008 indibidwal at 525 na pamilyang biktima mula Enero, 2001 hanggang Mayo, 2002.

Puno ng dugo ang kamay ni Palparan na nagpapatupad ng sistematikong terorismong militar sa mamamayan ng Mindoro. Hindi malilinlang ng militar ang lumalaking bilang ng mamamayang mulat sa katangian ng mersenaryong AFP at PNP na asal-hari sa ginagawang panunupil sa mahihirap na mamamayan. Batid ng bayan na ang pinagsisislbihan ng reaksyunaryong hukbo ng gobyerno ni Macapagal-Arroyo ay ang malalaking panginoong-maylupa at burgesya-komprador. Hindi rin lingid sa kanila na ang asal-hayop na militar ay salaminan ng pasitang katangian ng kasalukuyang rehimeng sagad-sa-butong-tuta ng imperyalismong US.

Patuloy na lumalawak ang nakakaunawang mamamayan sa katangian at pagkakaiba ng NPA bilang isang rebolusyonaryong hukbong tunay-na-lingkod bayan, sa isang panig, at ang malupit at mersenaryong AFP at PNP, sa kabilang panig. Batid ng mamamayan kung sino ang kanilang hukbo at tunay na kaibigan at kung sino ang mapagsamantala, mapaniil, terorista at tunay na kaaway. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.