Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Higit na Pagpapatindi ng Pakikidigmang Gerilya ang Sagot sa All-out War ni Macapagal-Arroyo

Tirso "Ka Bart" Alcantara
Spokesperson
Melito Glor Command
Southern Tagalog Region
Setyembre 09, 2002

Hindi kayang gulatin ni tinagin ng all-out war ng papet at militaristang si Gloria Macapagal Arroyo ang rebolusyonaryong kilusang pambansa-demokratiko. Nagkakamali si Arroyo at mga militarista sa kanyang gubyerno kung inaakala nilang isang pipitsuging target ang CPP-NPA-NDFP tulad ng Abusayyaf. Lulunurin at ililibing ng malaganap at masinsing pakikidigmang gerilya at malawak na paglaban ng mamamayan ang kanyang all-out war.

Matagal nang ipinatutupad ni Arroyo ang patakarang all-out war sa Timog Katagalugan bago pa man ang deklarasyon nito. Nagpatuloy ang dagsa ng mga pwersang militar sa rehiyon sapul sa pagsisimula ng taong ito. Umaabot na ito ngayon sa 26 na panagupang batalyon ng pinagsamang pwersa ng AFP at PNP mula sa dating 17 batalyon sa pagtatapos ng 2001. Katumbas ng 17 batalyon ang nasa mga lalawigan ng Calabarzon � 6 ang nasa Batangas, higit sa 2 sa Rizal, 2 sa Laguna, at higit sa 5 batalyon sa Quezon. Samantala, ang 9 na batalyon ay nasa isla ng Mindoro. Inaasahang madaragdagan pa ito sa redeployment ng dagdag na pwersang militar mula Basilan.

Ang all-out war ni Arroyo ang pinakasukdulan ng preparasyon para ihanay ang CPP-NPA-NDFP sa teroristang Abusayyaf na likha ng Central Intelligence Agency ng US at AFP. Sa sulsol ng US at matapos magapi ang banta ng Abusayyaf, hibang na pinapangarap ni Arroyo, Angelo Reyes at mga katulad na ulitin sa CPP-NPA-NDFP ang nagawa nila sa Abusayyaf.

Walang ibang ibubunga ang all-out war ni Arroyo kundi ang malawakang pagpapatupad ng sistematikong patakaran ng terorismong militar sa mamamayan. Sa isang taon at kalahating panunungkulan ni Arroyo, sa Timog Katagalugan pa lamang, umaabot na sa 637 mga dokumentadong kaso ng paglabag sa karapatang pantao, 2,115 indibidwal at 1,505 pamilya ang naging biktima ng mga malupit na kontra-rebolusyonaryong kampanya ng pagsupil.

Sa harap ng kalagayang ito, walang ibang pagpipilian ang rebolusyonaryong kilusan kundi ang puspusang magtanggol at labanan ang all-out war ni Arroyo at palawakin ang saklaw ng pakikidigmang gerilya ng Bagong Hukbong Bayan sa lahat na bahagi ng Timog Katagalugan.

Nakahanda ang mga pwersang gerilya ng Melito Glor Command para sa paglulunsad ng higit na malakas na bigwas sa naghaharing rehimen na pipilay sa kanyang malalaking interes sa ekonomya, pulitika at militar. Bukod sa mga taktikal na opensibang nakartarget sa mga berdugong yunit at opisyal ng AFP at PNP, may kakayahan itong pinsalain ang mga mahahalagang instalasyong mahalaga sa buhay ng ekonomyang komprador at panginoong maylupa. Ang all-out war ni Arroyo ay nakatakdang maging pinakamalaking bangungot at time bomb na nakatakdang sumabog sa mukha ng rehimen. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.