Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Kamtin ang mas malalaking tagumpay sa armadong rebolusyon! sa harap ng papalalang krisis sa ekonomya at ng armadong interbensyon ng imperyalismong US, kakutsaba ng tutang rehimeng Macapagal-Arroyo

Salvador del Pueblo
Spokesperson
Fortunato Camus Command
Northeast Luzon Region
Abril 10, 2004

Taas-baril ang pagpugay ng Panrehiyong Kumand sa Operasyon, Hilagang-silangang Luson sa mga magigiting na opisyal at mandirigma, sa okasyon ng ika-33 anibersaryo ng BHB sa ika-29 ng Marso, 2002.

Ipagdiwang natin ang mga tagumpay ng BHB at lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa nakaraang taon. Tanawin ang higit pang mga tagumpay na aanihin sa susunod na taon, habang hinihiling sa bawat isa ang pagpupursigi sa mga tungkulin natin sa rebolusyon at sa mamamayan.

Sa gitna ng pagdiriwang, laging nasa ating alaala ang mga kasamang martir. Pararangalan natin ang mga nagbuwis ng buhay sa taong ito. Sina Janet �Ka Angel� Taguba ng Gamu; Rafael �Ka Mar� de Leon ng Malasin, Ilagan; Frankie �Ka Arnold� Gelacio ng Siempre Viva Norte, Mallig; Danilo �Ka Jonard� Galan at Val �Ka Marvin� Arbezo ng San Juan, Quezon. Tatlo sa kanila ang nahuling buhay at pinaslang ng kaaway, at dalawa ang namatay sa gitna ng labanan sa depensiba ng yunit noong ika-12 ng Pebrero sa Dolores, Quirino, Isabela.

Sa loob ng isang taon, muli tayong nagtala ng pagsulong, kahit mumunti pa, sa lahat ng larangan ng ating rebolusyonaryong pagsisikap.

Lumaki ng ilampung libo ang baseng masa sa mga larangang gerilya, at may ilang libong inilaki rin ng organisado at aktibistang masa sa mga baryo. Ang hukbo at ang mga baryong kinikilusan nito ay may nadagdag na ilampu. Nakapagbuo tayo ng bagong larangang gerilya. Samantala, ang kasapian ng Partido ay lumaki ng 100%, na ang kalakhang rekluta ay mula sa mga baryo sa mga sonang gerilya.

Naparusahan ng hukbong bayan ang mahigit sampung elemento na matatagal nang sagadsaring kontra-rebolusyonaryo, peste sa masa at may mga utang na dugo. Higit pa dito, nakapaglunsad ng taktikal na opensiba, na naging balitang pambansa. Kabilang dito ang espesyal na operasyon na nagparusa sa pasista�t kontra-masa at natalong kongresista, si ex-Col. Rodolfo Aguinaldo ng Cagayan.

May ilang opensiba ng kaaway na aktibong binigo ng mga yunit natin at napinsalaan pa ang mga pasistang tropa ng kaaway. (Maliban ito sa depensibang labanan na nahuli ang limang kasama sa Abariongan, Sto. Nino, Cagayan noong Hulyo 2001, at sa kinamatayan din ng limang kasama sa Dolores, Quirino, Isabela nitong Pebrero 12, 2002.)

Pinanghawakan ang linyang antipyudal bilang susing-kawing sa gawaing masa sa lahat ng mga larangang gerilya na nagsulong ng agraryong rebolusyon at mga proyektong sosyo-ekonomiko. May ilang nakapaglunsad ng antas-tipak at sa anyo ng kampanyang masang antipyudal. Bunga nito, marami ang masang magsasaka na nagkamit ng mga benepisyong sosyo-ekonomiko.

Ang hukbong bayan ay nasa gulugod ng pwersa ng mamamayan na lumalaban sa malakihan at malawakang pang-aagaw ng mga lupain ng mga magsasaka. Tulad sa paglaban ng masa sa iba�t ibang proyektong �reforestation� ng reaksyunaryong gubyerno sa mga taniman ng masa sa mga kabundukan. Sa mga dayuhang minahan ng ginto, semento, uling, atbpa. Sa plantasyon ng kape ng Nestle sa Jones-Echague. Sa plantasyon ng kamoteng-kahoy at mais ni Danding Cojuangco at Gobernador Dy na sumasakop ng 150,000 ektarya. Sa pang-aagaw ni Dy sa pangkabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa Magat. Sa pagpapalaganap ng nakalalason na Bt-corn ng mga dayuhang korporasyong agro-kemikal, tulad ng Monsanto. Sa muling pang-aagaw ng malalaking panginoong maylupa, malalaking burgesya-komprador at usurero-komersyante sa mga sakahang matagal nang binabayaran ng mga magsasaka.

Ang hukbong bayan ang nasa likod ng mga kampanyang masa at nagtutulak ng mga proyektong sosyo-ekonomiko para sa kagalingan ng mamamayan sa mga larangang gerilya. Tulad ng mga kampanya at proyekto sa pagpapaunlad ng produksyon, pangangalaga ng kalusugan, pagtitiyak ng rebolusyonaryong kaayusan at katahimikan. Pagsasaayos ng mga sigalot at kontradiksyon sa hanay ng mamamayan. At maraming iba pa.

Mumunti ito, kumpara sa pag-abante sa pambansang antas. Kakaunti, kung ihahambing sa maari pang makamit sa gitna ng kahirapan at sa kagustuhan ng masa na isulong ang kanilang interes sa landas ng armadong rebolusyon.

Subalit, makabuluhan na ito sa rehiyon. Pasulong na ang mga rebolusyonaryong pwersa. Higit pa tayong lumakas sa ideolohiya, pulitika at militar. Pinagpupursigihang iwasto ang mga kahinaa�t pagkakamali sa nakaraan at mga depensibang labanan nagdulot ng mga pinsala�t pagkabawas ng ating lakas. Pinupuspos ang pagbaka sa konserbatismo, nakakahulagpos na tayo sa gapos nito sa ating mga isip.

Ang mga aral at nadagdag nating lakas sa nakaraang dalawang taon ay magsisilbi sa mas mabilis na pagsulong sa susunod na mga taon. Higit na sakripisyo ang hinihingi sa mga kasama, aktibista at masa upang umabante sa panawagan ng Partido na humakbang tayo nang malaki, at umani ng malaking dagdag na pwersa at higit na benepisyo para sa mamamayan.

Bakit kailangang ibayong palakihin at palakasin ang hukbo? Ayon sa dakilang lider komunistang si Mao, kung wala ang hukbong bayan, walang anoman ang mamamayan. Sa 33 taon mula nang itatag ang Bagong Hukbong Bayan, paulit-ulit na napapatunayan natin ang katotohanang ito.

Naisusulong ang interes ng mamamayan at nagtatamo sila ng mga kongkretong tagumpay � may nakakamit na benepisyo sa ekonomya, pulitika at organisasyon, kapag kasalo nila ang BHB. Ang mga tagumpay ay patuloy na naisusulong at napapangalagaan habang nariyan ang hukbo. Ngunit kabaligtaran ang nangyayari, kapag nawala o humina ang hukbo, kapag naligaw tayo ng landas.

Kahilingan ng masa na palakasin ang hukbong bayan at abutin nito ang kanilang mga lugar. Sa gitna ng lumalalang krisis pang-ekonomya at panlipunan, marami ang problema ng mamamayan na gusto nilang idulog sa hukbo. Ang hukbo ang masasandigan at katuwang nila upang isulong ang kanilang mga interes. Kaya lubos ang kagalakan at sabik ang masa sa hukbo sa mga baryong nababalikan, gayundin sa mga lugar na abot ng impluwensya ng digmang bayan.

Napakahusay ng sitwasyon sa ekonomya at pulitika. Dapat itong samantalahin upang mabilis na sumulong at magkamit ng malalaking tagumpay ng rebolusyon. Masasamantala ito ng husto pag mayroon tayong malaki at malakas na hukbo.

Kailangang ipursiging isulong sa mas mataas na antas ang agraryong rebolusyon at ang digmang bayan. Kailangang magkamit ng mas maraming masa ng higit pang mga tagumpay sa ekonomya at pulitika. Nauunawaan nilang makakamit ito sa digmang bayan, sa pambansang demokratikong linya ng Partido na magbabagsak sa naghaharing sistemang malakolonyal at malapyudal.

Kailangang patuloy na bigwasan ang palalong kaaway, lalo sa harap ng papalaking interbensyon ng imperyalismong US na nagkukunwaring ginigyera nila ang mga �terorista sa buong mundo�, at nariyan ang panganib ng armadong agresyon. Handa tayong itransporma ang gyera sibil tungo sa digmaan ng pambansang pagpapalaya laban sa armadong agresyon ng imperyalismong US at ng mga kakutsaba nitong dayuhan at lokal.

Kailangang higit na palawakin ang nagkakaisang prente at ang baseng masa. Pasiglahin ang mga kilusang masa, kapwa sa mga larangang gerilya at sa mga kalunsuran, gayundin ang mga taktikal opensiba ng BHB. Kailangang higit nating palawakin at palakasin ang mga larangang gerilya at konsolidahin ang baseng masa.

Kailangang mabilis nating anihin ang bunga ng lahat ng ating pagsisikap para mapalaki ng ilang ulit ang mga rebolusyonaryong pwersa, mga kasapi ng hukbong bayan at Partido, mga aktibista�t organisadong masa.

Kailangan ng ating hukbo ang ubos-kayang suporta ng masa. Kailangan ng hukbo kahit simpleng pagkalinga at pagpapataas moral. Kailangan nito ang suportang materyal, lohistikal at pinansyal.

Ang pinakamahalagang suporta na kailangan ng ating hukbo ay ang direktang paglahok ng masa sa armadong pakikibaka at pag-engganyo sa mga aktibista at pinakamahuhusay na anak, kapatid, kaibigan, kagrupo, kamag-aral, katrabaho at kamag-anak para sumampa sa hukbong bayan.

Nananawagan kami sa mga kabataan, sa mga aktibistang masa at kasapi ng Partido, na sumampa sa hukbong bayan. Ang paglahok sa matagalang digmang bayan ang pinakadakilang tungkulin sa paglilingkod natin sa sambayanan.

Ang Bagong Hukbong Bayan ang panguhaning organisasyong masa at instrumento ng Partido na nagsusulong ng mga rebolusyonaryong mithiin ng malawak na mamamayan.

Ilalaan ng mga Pulang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan ang kanilang buhay sa paglilingkod sa sambayanan, upang isulong ang bagong demokratikong rebolusyon hanggang sa ganap na tagumpay.

Lumahok sa matagalang digmang bayan!

Mga kabataan, sumampa na sa Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang mamamayang Pilipino!

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.