Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Mabuhay ang Pakikibaka ng Kababaihang Anakpawis!

Salvador del Pueblo
Spokesperson
Fortunato Camus Command
Northeast Luzon Region
Marso 08, 2002

Ngayong Marso 8, ipagdiriwang ng sambayanan ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis. Araw ito ng kababaihang magsasaka at manggagawa�mga uring pangunahing pinagsasamantalahan sa loob ng lipunang mala-kolonyal at mala-pyudal.

Para sa mga naghaharing uri, pagkakataon ito upang magpakalunod sa mga papuri sa mga kababaihang kunwa�y pinagaalayan ng pagpapahalaga; habang sa kabilang banda�y nangaalipusta sa pamamagitan ng mga kontra-mamamayang programa at patakaran. Pilit nilang isasantabi ang mga pagkilos ng mga kababaihan at mamamayan bilang mga �kaululan�, gaya ng pahayag ng 5th ID sa naging buhay at pagkilos ni Janet �Ka Angel� Taguba, mandirigma ng NPA- Filomena Asuncion Front na napaslang sa labanan sa Dolores, Quirino, lugar ng kinamumuhiang Cassava Project ng sabwatang Cojuangco � Dy.

Sa nalalapit na Araw ng Kababaihang Anakpawis, marapat na tingnan ang kalagayan ng isa sa mga aping sektor ng lipunan.

Kadusta-dusta ang kalagayan ng kababaihan sa kasalukuyan. Sa panahon ng imperyalistang globalisasyon, libu-libong pamilyang magsasaka ang nadidisloka sa ilalim ng masaklaw na pagpapalit-gamit ng mga lupang sakahan. Pinapasan ng kababaihang magbubukid ang paghahanap ng dagdag na pagkakakitaan. Nangangahulugan ito ng pagiging labandera, tindera, at sa panahon ng matinding krisis, ng lantarang pagpuputa para lamang mairaos ang pamilya sa kagutuman.

Totoo ito lalo na sa rehiyon ng Cagayan Valley na siyang diin ng maraming mapanlinlang na kontra-magsasakang programa gaya ng Community Based Forest Management, Integrated Social Forestry Agreement, Coal Mining and Power Plant, Cassava Project, pagmimina sa malawak na mga lupang sakahan, field-testing ng Bt-Corn at marami pang iba.

Kasabay ito ng daan-taon nang mga problema sa lupa gaya ng mataas na paupa sa lupa at kagamitang pansaka, mababang presyo ng mga produkto at pasahod at mataas na presyo ng mga kagamitang pansaka. Sila rin ang pinakabulnerableng seksyon ng populasyon sa mga militarisadong bahagi ng kanayunan, sa mga kaso ng panggagahasa at pang-aabusong sekswal ng mga tropa ng mga bayarang militar.

Sa ganitong kaayusan, dumaranas ng matinding kahirapan ang kababaihang magsasaka na bumubuo ng kalahati ng 70% na populasyon sa kanayunan. Direkta nila itong nararamdaman sapagkat direkta silang kalahok sa produksyon, katabi at kaagapay ng mga kalalakihang magsasaka.

Ito rin ang kalagayan ng mga kababaihang manggagawa na biktima ng mga mapaniil na patakaran sa paggawa at di-makataong pasahod. Naitutulak sila sa kawalang-hanapbuhay, sukdulang maisadlak sa prostitusyon at iba pang panawid-gutom.

Doble ang pasanin ng kababaihang anakpawis sa kambal na paghihirap sa ekonomya at kalagayan sa lipunan bilang mga babae. Sa ilalim ng pyudal, burges at kolonyal na kultura, itinuturing sila bilang mga kalakal na ibayo pang magpapayaman sa mga ganid na kapitalista; mga alipin sa lipunang ang naghahari ay mga malalaking panginoong maylupa at burgesya kumprador.

Kung kaya�t hindi nakapagtatakang milyong kababaihan ang bumabasag sa kultura ng pagiging kimi at asal-alipin, nagbabalikwas upang baguhin ang kaayusang nagsasadlak sa kanila sa pagsasamantala at mapangahas na tumutungo sa landas ng rebolusyonaryong pakikibaka, sa armado at di-armadong mga larangan nito.

Ito rin ang dahilan kung bakit maraming mga ina ang kusang nag-aambag ng mga mahuhusay at minamahal na mga anak sa Bagong Hukbong Bayan; kung bakit may mga kabataang kababaihang nagpapasyang ialay ang talino at lakas sa rebolusyon.

Sila ang mga kababaihan at mamamayang kasama at pinaglingkuran ni Kasamang Janet Taguba, kilala bilang Ka Angel� huwarang anak, asawa, babae at hukbo ng mamamayan. Sinusundan nila ang mga yapak ng mga naunang kababaihan na magiting na lumaban sa pang-aapi at pagsasamantala.

Sa Marso 8, ipagbubunyi ng mamamayan ang tradisyong ito ng pakikibaka at kagitingan ng kababaihang anakpawis. Nagkakaisa silang lumalaban sa rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo, ang nag-aastang �para sa mga labandera�, at sa mga kontra-mamamayang mga polisiya nito. Magpupunyagi ang mamamayan tungo sa ganap na pagpapabagsak ng mga naghaharing uri at pagtatayo ng isang lipunang malaya.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.