Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Hudas At sinungaling si Brig. Gen. Rodolfo Alvarado ng 5th ID

Salvador del Pueblo
Spokesperson
Fortunato Camus Command
Northeast Luzon Region
Disyembre 10, 2001

Katulad ni Hudas na nagkanulo kay Hesus, ipinagkanulo�t nanghudas din si Gen. Rodolfo Alvarado sa Bombo Radyo at sa malawak na masang tagapakinig nito.

Ang kaibhan nga lang ng dalawa, nagpakamatay ang una dahil hindi nakayanang dalhin ng konsensya nito na ipinagkanulo niya si Jesus. Samantalang si Gen. Alvarado ay lubos na wala itong konsensya. At hindi ito tumitigil sa pagsisinungaling. Likas na sa kanya na magsaboy ng kasinungalingan at siraan ang masa at ang rebolusyonaryong kilusan.

May kasabihan na �truth is its own defense.� Wala ito sa bokabularyo ng nasabing heneral.

Sa bawat kasinungalingan, lalo lamang nalalantad sa masa ang kanyang tunay na kulay � na ito�y talamak na sinungaling. Sinasalamin rin niya ang likas na katangian ng AFP.

Sa iba�t ibang pagkakataon, ani Heneral Alvarado:

1. �Paninira lamang� ang mga ibinulgar ng NPA-Filomena Asuncion Command hinggil sa paglabag sa karapatang pantao sa Ilagan at Quirino (programa ni Karina Zobel Bombohanay Bigtime);

2. �Kasinungalingan� ang mga iniulat ng mamamayan ng Villa Bello, Jones , organisasyong KARAPATAN at mga Obispo ng mga Simbahang Protestante at Simbahang Romano Katoliko hinggil sa paglabag ng mga tropa ng 5th ID na pinangunahan nina Capt. Marana, Lt Betinol at Lt Gay, sa karapatang pantao ng mga tagaroon na iniulat sa Bombo Radyo noong ikalawang linggo ng Nobyembre (ulat ni Bombo Jojo Romero kay Karina Zobel, Bombohanay Big Time at kay Allan Soriano sa Sona Libre).

3. Muling pinabulaanan ang nakalahad sa itaas sa programa ni Allan Soriano at aniya�y: �walang batayan�� (Ulat ni Jojo Romero, December 7, 2001, Sona Libre)

Lango sa sariling laway ang heneral. Pero hindi na dapat itong pagtakhan. Ang dalawahang taktika ng panlilinlang at pandarahas ay isang institusyonal na patakaran ng AFP. Likas sa AFP ang dalawang mukha ng kanilang pagkilos � mapanupil at marahas na leon sa isang banda at maamong tupa sa kabila.

Sa pamamagitan ng Special Operations Team (SOT), pinipilit nilang mag-astang maamong tupa. Naglulunsad ng panlipunang pagsisiyasat, nagse-census, nagbibigay ng literasiya, nag-aayos ng mga daan, nagtatayo ng mga pergola (waiting shed), kasilyas, mass wedding, nagtutuli at kung anu-ano pang pakitang-gilas.

Pero sa malao�t madali, nalalantad din naman na likas itong mapanupil at marahas. Malulubhang paglapastangan sa karapatan ng mamamayan - sa Hacienda Sta Isabel sa Ilagan; Vintar, Dolores at San Macario sa Quirino; sa Germitan, Dibulod, Namnama at karatig baryo sa bayan ng Jones; Madadammian, Diasan, Villa Campo, Narra at karatig baryo sa bayan ng Echague - ang ipinamalas ng mga tropa ng 5th ID � pagpigil na magtrabaho sa mga sinasakang bukirin at uma; pilit na pagpapagiya sa kanilang operasyon; pananakit sa mga kabataan at matatanda; pagbabase sa mga eskuwelahan at kabahayan ng masa; gabi-gabing paglalasing at pagsusugal; at ilang kaso ng sexual harassment sa kababaihan.

Ang pahayag ni Ka Amado T. Amianan; ang pahayag ng mga masa at ang mga nasaksihan ng KARAPATAN ay tuktok o tungki pa lamang ng bundok. Higit na malawak pa ang hindi pa naiulat.

Kaya habang pinapakinggan ng maraming masang tagapakinig ng Bombo Radyo ang mga pangangatwiran at mga buladas ni Heneral Alvarado, lalo lamang nilang napapatunayan kung gaano ito katalamak sa pagsisinungaling at sa paghamak sa mamamayan.

Nagmamalinis at naghahanap pa ng kakampi ang heneral, aniya: �Kilala mo naman ako, Bombo Jojo�.. Hindi ko pahihintulutan yan!�

Isang berdugo si Heneral Alvarado. Bukas na aklat sa Cagayan kung gaano kalupit at karahas ito noong siya�y Commanding Officer pa lang ng 503rd Brigade. Anumang paghuhugas-kamay sa duguan at maruming kamay nito ay mananatiling walang saysay.

Sa kanyang pamumuno, kailanman ay hindi nito kinikilala ang mga likas (inherent) na demokratikong karapatan ng mga mamamayang magpamulat, mag-organisa ng kanilang sarili at kumilos para sa kanilang kagalingan.

At panghuli sa isyung ito, nahuli sa mismong bibig ng tagapagsalita ng 5th ID na si Capt. Diego. Sa kanyang panawagan: �Gampanan natin ang ating tungkulin nang mahusay, huwag tayong gumawa ng hindi kanais-nais, huwag tayong manakit ng masa��, isang tacit admission at pagtatakip na rin sa mga kabulastagan at karahasan ng mga tropa nito na naglulunsad ng malawakang operasyong militar sa kanayunan ng Mallig Region, Jones, Echague, San Agustin at San Guillermo.

Hinihikayat namin ang mga kinatawan ng International Red Cross at ng Bombo Radyo na magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa mga lugar na nabanggit nang higit na malantad at maibulgar ang sari-saring karumaldumal na krimen ng AFP laban sa mamamayan.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.