Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Hinggil sa Diumano�y Illegal Logging sa Diden

Salvador del Pueblo
Spokesperson
Fortunato Camus Command
Northeast Luzon Region
Disyembre 08, 2001

Tugon sa paratang ni Brig. Gen. Rodolfo Alvarado na �NPA ang nagpapa-logging sa Diden sa hangganang San Mariano at San Guillermo� (ulat ni Bombo Jojo Romero kay Allan Soriano, sa Sona Libre, November 17)

Sa isang kaso na naman ng pagsisinungaling, pinaratangan ni Alvarado ang NPA na ito ang nagpapala-logging sa may Diden, San Mariano-San Guillermo.

Naglubid ito ng istorya, sinabi niyang �may hiling ang DENR para bantayan ang mga kawani nila na nagmomonitor sa illegal na pangangahoy sa may Diden, hangganang San Mariano at San Guillermo.� Kaya raw naroon ang mga puwersa ng 5th ID. Para diumano�y �magbantay at pigilan ang NPA sa pagla-logging.�

Hindi na namin sana kailangang sagutin dahil mismong taga-DENR na ang kagyat na nagpabulaanan sa pantastikong paglulubid ni Gen Alvarado ng kanyang kasinungalingan. Gayunpaman ay mas mahusay na ring maglinaw hinggil sa usapin.

Kabaligtaran ang akusasyon ni Alvarado. Sino nga ba ang direktang sangkot sa illegal na malawakang pagtotroso? Sino ba ang nagbabantay ng mga sawmill? Ng mga labasan ng troso? Ang nag-eeskort sa mga trak ng logging?

Ang AFP mismo ang sangkot sa iligal na pagtotroso. Kinakasangkapan ito ng mga malalaking kapitalista sa pagtotroso kasabwat ang pamilya Dy ng Isabela para malayang maibiyahe ang mga pinuputol nilang troso.

Ang AFP ay may kampo�t mga puwersa na malayang kumikilos sa mismong labasan ng mga tablon at mga troso sa Maconacon, sa Dinapigue, sa Masipi, Cabagan, sa San Mariano sa probinsya ng Isabela; sa Rizal, Lasam, Piat, Sto. Nino at Baggao sa probinsya ng Cagayan.

Sa katunayan, mumo lamang ang lehitimong sinusuweldo ni Alvarado at ng kanyang pinapaborang tauhan kung ikukumpara sa ibinubulsa nitong payola mula sa illegal na pagtotroso. Daan-daang libo rin ang kinikita nito sa �hinuhuli� nilang mga kahoy. Halos linggu-linggo ay may iniuulat ang tauhan nito sa mga programang pangmilitar hinggil sa hinuhuling kahoy ang mga tropa nito. Ang ipinagtataka ng mga sibilyan, higit na mababa kaysa sa aktuwal na nahuhuli ang kanilang iniuulat.

Saan napupunta ang mga nahuling kahoy at maging yaong di naiuulat? Sa bulsa ni Alvarado at mga matatalik na pinapaborang opisyal sa nakatataas at sa nakakababang antas!

Para na rin sa kalinawan ng lahat, ang New People�s Army ay mahigpit at lubos na ipinagbabawal ang logging ng mga malalaking kapitalista at imperyalista sa mga lugar na may sapat nang inabot na lakas sa pulitika at militar ang Partido, Hukbong Bayan at Demokratikong Gubyernong Bayan.

Ang tanging ipinapahintulot lamang ay ang pagtotroso para lamang sa pambahay ng mamayan sa lugar at pangangailangang pang-emergency (halimbawa, pang-medikal) ng mamamayan. Ang mga ito ay dapat may kaukulang pahintulot ng mga komiteng may saklaw sa lugar.

Para sa rebolusyonaryong kilusan, ang kagubatan at kalikasan ay dapat na pangunahing magsilbi sa interes ng mamamayan. Ipinagtatanggol at pinapangalagaan ito alang-alang sa kapakanan, pangangailangan, kaligtasan at kinabukasan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon ng masa ng sambayanan.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.