Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

AFP na nag-atake inambus ng BHB

Cesar Renerio
Spokesperson
NDF-North Central Mindanao
Agosto 07, 2004

Noong Agosto 5, 2004 sa mga alas 5:30 ng umaga sinubukang sukulin at kubkubin ng 41st at 42nd Scout Ranger Company ng 401st Brigade ang nakahimpil na mga yunit ng BHB sa sityo Balatacan, Ginabsan, Buenavista, Agusan del Norte sa ilalim ng Julito Tiro at Cesar Cayon Command sa Hilagang Sentral Mindanao.

Subalit taliwas ang nangyari. Nang matiktikan ng BHB ang papalapit na mga tropa ng kaaway ginawan agad ito ng dagliang ambus. Nagsimula kaagad ang palitan ng putok sa may alas 5:30 ng umaga na nagresulta sa walong (8) tropa ng kaaway ang KIA at mayroon ding mga sugatan. Tumagal ng dalawang oras ang bakbakan. Mayroon ding nahulog sa bangin ngunit hindi na ito nagawang saliksikin ng BHB dahil sa lalim nito at dumarating na ang MG520 ng kaaway.

Nasamsam ng BHB ang siyam (9) na assorted high powered rifles na kinabibilangan ng mga M16 at M14, mga bala, isang USB radio, isang cellfone at mga backpacks. Sa panig ng BHB isang Pulang mandirigma ang nagbuhis ng buhay at may ilang sugatan na hindi gaanong malubha.

Sa galit animo�y nagwala ang 401st Brigade dahil malapit lang sa 4ID Training Area sa Mayapay, Buenavista ang pinangyarihan at isa itong napakalaking insulto sa kanila. Kaya walang habas itong pinasabugan ng kanilang rockets at masinggan ng kanilang MG520 helicopter na lubhang ikinasisindak ng mga magsasaka. Subalit malayo nang nakaatras ang BHB nang dumating ang reimporsment ng kaaway.

Hindi kaagad nagpalabas ng pahayag ang 401st Brigade na nakabase sa Bancasi, Butuan City kahit kinulit ito ng media at kahit malapit lang ang pinangyarihan sa nasabing lungsod dahil sinikap nitong itago sa mga tao ang kanilang kaswalti.

Reference:
Mark Reyes, Media Liaison Officer
Cellphone Number: +63926-416-6821
E-mail Address: [email protected]

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.