Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

SAGOT KAY GEN. RODOLFO ALVARADO

Delio Baladon
Spokesperson
NPA-Benito Tesorio Command
South Isabela
Disyembre 11, 2001

Alin sa dalawa, iba ang sinasabi at iba ang ginagawa ni Gloria Macapagal-Arroyo; o hindi sinusunod ni Brig. Gen. Rodolfo Alvarado ang atas ng kanyang Commander-in-Chief?

Paano�y sa kabila ng deklarasyon ni Macapagal-Arroyo ng Suspension of Military Operations (SOMO) simula nitong Disyembre 10, patuloy ang combat operation ng may 200 tropa ng 502nd Brigade ng AFP sa mga baryo ng Echague at Jones. Katulad sa nakaraan, propaganda lamang ng AFP at gubyerno ang deklarasyon nila ng ceasefire.

Ayaw tanggapin ni Alvarado na bigo ang higit dalawang buwang operasyon ng AFP sa 28 baryo sa nasabing mga bayan�na ngayon lang ginawa sa Cagayan Valley sa loob ng maraming taon. Kaya kahit gusto nang magpahinga ang kanilang mga tropa, sige pa rin ang operasyon.

Ilang milyong pisong mula sa buwis ng mamamayan ang nilustay nila sa operasyong ito. Pero wala ni isang anino ng NPA ang kanilang namataan. Wala ni isang purok ng mga magsasaka ang kanilang �napagbalik-loob.�

Maging ang matagal na pinaghandaan ng 502nd Brigade na �pulung-pulong� nila sa Barangay Narra, Echague noong Nobyembre 30 ay hindi natuloy. Ito�y dahil tumatanggi ang mga tagabaryong pahakot at pabilog ng ulo sa mga tomador, sugarol at sangganong militar.

Sabi ni Alvarado, walang batayan ang mga ibinunyag ng NPA-Benito Tesorio Command na mga kaso ng panggugulo at paglabag ng 502nd Brigade sa mga karapatang pantao. Pero malinaw na pruweba ang mga kasong iniharap ng mga magsasaka ng Brgy. Villa Bello, Jones at mga pinagpipitagang personahe na nagsagawa ng fact-finding mission doon noong Nobyembre.

Propaganda lang daw ng NPA ang mga pahayag ng mga magsasaka at ng Obispo ng Iglesia Filipina Independiente sa Isabela, opisyal ng Social Action Center at isang City Councilor ng Santiago tungkol sa pagwawala ng AFP sa Villa Bello. Wala lang tiwala si Alvarado sa kakayahang mag-isip ng mga magsasaka, taong simbahan at lokal na burukrata; kaya bawat galaw nila ay pinagdududahan niyang pakana ng NPA. Napakalinaw ang mga pisikal na ebidensya, at ang mga mamamayan ay naninindigan lamang sa katotohanan; bagay na pinipilit pagtakpan ni Alvarado.

Ipinagtanggol din ni Alvarado ang pagpapel ng AFP sa paggawa ng kubeta sa isang baryo sa Echague (Brgy. Diasan). Wala naman daw ginagawa ang AFP, kaya anong masama kung maging magkukubeta sila. Ang masama, ang mga ito�y bahagi ng tinaguriang civil-military operations (psychological warfare), na madalas ikumbina sa kanilang combat operations at intelligence operations ng AFP. Nasa balangkas ito ng pinakahuling programang kontra-insurhensya nito, ang Campaign Plan Balangai.

Wala namang layon na taospusong tumulong sa taumbayan, kundi gusto lang manlansi at man-psy war, upang ikubli ang ibayong pinabangis na combat operations ng mga teroristang tropa. Kaya hindi nagkataon lang kung habang may militar na gumagawa ng kubeta sa Brgy. Diasan, may militar ding nangangaladkad at nanggagapos ng magsasaka sa Brgy. Villa Bello!

Totoong ang AFP ay �walang ginagawa.� Isa itong parasitikong hukbo na ang alam lamang ay makipagbakbakan at palamunin ng buwis ng mamamayan. Kabaliktaran, ang NPA ay hindi lamang hukbong panlaban, ito�y pang-organisa at pampropuksyon din.

Ginugugol ng NPA ang malaking panahon nito sa pagtatayo ng mga organo ng Pulang kapangyarihang pampulitika ng mamamayan. Ginagabayan ang kilusang magsasaka upang ipababa ang upa sa lupa, ipataas ang sahod ng mga manggagawang bukid, tutulan ang pangangamkam ng lupa at iba pa. Lumalahok sa mga gawaing bukid at tumutulong sa pagpapaunlad sa produksyon ng masa. Nagtuturo ng literasiya at pinapaunlad ang antas pangkultura nila. Itinataguyod ang kaayusan at kapayapaan sa baryo at iba pang katulad.

Kasabay ay naglulunsad ito ng mga taktikal na opensiba upang pahinain ang kaaway, ipreserba ang sarili at magtipon ng lakas. Laging may mahabang pila ng mga kabataan sa nayon at lungsod na nagnanais sumapi sa NPA.

Sa tanong ng DZNC na lumalakas nga ba ang NPA, hindi ito diretsahang maitanggi ni Alvarado. Ang sabi lang niya, wala naman daw �disruption of economic activities and delivery of social services.� Mga promotor lamang ng terorismo, kudeta at insureksyunismo ang sumusukat sa paglakas ng isang hukbo sa ganitong batayan.

Ang pagwawagi sa puso at isipan ng dumaraming mamamayan ang pangunahing sukatan ng paglakas ng hukbong bayan. Sa nagdaang ilang taon ay namalas ang dramatikong paglawak at paglalim ng suporta ng mamamayan sa NPA, at pagbilis din ng paglaki at paglakas ng mga pwersang gerilya nito. Ito�y dahil ang kilusang rebolusyonaryo ay konsistent sa pakikipaglaban para sa mga makabayan at demokratikong interes ng mamamayan.

Kabaliktaran, tuluy-tuloy na naihihiwalay ang AFP sa pulitika, nadadagukan ng kabi-kabilang bigwas militar mula sa mga pwersang rebolusyonaryo at nayuyugyog ang hanay nito. Ito�y dahil konsistent itong tagapagtanggol sa mapagsamantala at mapang-aping sistemang pinaghaharian ng iilan.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.