Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Ang Tunay na Programa para sa Pag-Unlad

Delio Baladon
Spokesperson
NPA-Benito Tesorio Command
South Isabela
Disyembre 05, 2001

�Para sa pag-unlad� diumano ang mga programang kontramamamayan ng reaksyunaryong gubyerno. Sa isang panayam sa DZNC, nasabi ni meyor Jesus Sebastian na ang mga proyekto sa Jones na tulad ng pagpapatanim ng kape na isponsor ng Nestle at pati ang field testing ng Bt-Corn ng Monsanto ay para diumano sa kaunlaran. Sa isa pang panayam, nasabi rin ni gubernador Jr. Dy na ang pagpapatanim ng cassava sa Mallig Region ay para sa kaunlaran.

Hindi para sa pag-unlad ang pagpapatanim ng kape sa isponsor ng korporasyong Nestle, ang field testing ng Bt-Corn ng korporasyong Monsanto at ang pagpapatanim ng cassava ng malaking burgesyang kumprador na si Danding Cojuangco.

Ito�y dahil walang mahihitang pag-unlad dito ang malawak ng masa ng sambayanan. Maaagawan lamang sila ng lupa at manganganib ang kanilang kalusugan at buhay. Tanging ang mga dayuhang korporasyon at kapitalistang tagaeksport ang makikinabang at magkakamal ng ganansya.

Nagdadalawang mukha rin si Sebastian sa pagsasabing tutol din diumano siya sa pagmimina ng Royal Cement and Mining Corporation. Sa katunayan, may inilunsad na isang Environmental Investigative Mission ng mga ligal na organisasyon ng mamamayan noong Hunyo 2000 upang magsiyasat sa mga lugar na maaapektuhan ng pagmimina sa Jones at San Agustin; pero binulabog ito ng �medical mission� cum strike operation ng 502 Brigade ng Army na nilahukan nina meyor Sebastian at gubernador Dy. Iba ang sinasabi at iba ang ginagawa ni Sebastian kaugnay ng usapin ng pagmimina sa Jones.

Hindi totoong magdudulot ng malawakang trabaho at mas mabuting pagkakabuhayan para sa mga magsasaka ang pagtatanim ng cassava at kape at pagmimina. Maaaring makapagbigay lamang ang mga ito ng trabahong mababa ang sahod sa ilan; pero higit na mas malaking pinsala ang idudulot ng mga ito sa buhay at kabuhayan ng puong libong magsasakang apektado ng mga ito.

Sa katunayan walang tunay na pag-unlad sa ilalim ng sistemang pang-ekonomyang di-industriyal, agraryo at atrasado. Pagpasok pa lamang ng ika-20 siglo, matapos masakop ng imperyalismong U.S. ang Pilipinas, ay tuluy-tuloy na ang pagdagsa sa bansa ng dayuhang kapital at dayuhang kalakal. Pumasok na tayo sa ika-21 siglo pero nananatiling walang mabibigat at saligang industriya ang bansa na siyang susi para sa pambansang industriyalisasyon.

Panahon pa ng tatay ni Gloria na si Diosdado Macapagal ay uso na ang pagsandig sa dayuhang pautang ng mga bangkong imperyalista, uso na ang pagsusumamo sa mga kapitalistang bansa para magnegosyo ang mga ito sa Pilipinas, uso na ang pagbukaka ng pambansang ekonomya at patrimonya para sa mas madulas at mas malakihang paggahasa ng dayuhang negosyo sa likas na yaman at lakas paggawa ng bansa.

Pero ba�t hanggang ngayo�y wala pang maaninag na pambansang industriyalisasyon at kaunlaran?

Habang nililimas ang likas na yaman at lakas paggawa ng bansa ng mga dayuhang korporasyon, malalaking burgesyang kumprador na tulad ni Cojuangco, at mga burukrata kapitalistang tulad ng mangungulimbat na mag-amang Erap at Jinggoy o ng maanomalyang mag-asawang Gloria at Mike�hindi na makagulapay sa gutom ang milyun-milyong magsasaka, manggagawa at iba pang mamamayan.

Sa kabila ng mga programa sa reporma sa lupa ng serye ng mga reaksyunaryong gubyerno, konsentrado pa rin ang malalawak na lupain sa kamay ng iilang asendero. Dito sa Isabela, ilandaang libong ektaryang lupa ang pag-aari at gusto uling angkinin ni Cojuangco at kanyang mga kampon?

Sa Forest Region, ang reaksyunaryong gubyerno ang tumatayong pinakamalaking panginoong maylupa. Ginagamit nito ang karatulang �public land�, isang sistema ng pag-aari sa lupa na minana pa sa Doktrinang Regalian noong panahon ng Kastila. Sa sistemang ito, ang malalawak na lupa ay idineklarang �public land� upang ang reaksyunaryong gubyerno lamang ang may karapatang magtakda sa paggamit nito, katulad ng pagsasangla o pagpapaupa sa mga ito sa malalaking korporasyon sa pagmimina (tulad ng RCMC), pagtotroso (tulad ng Liberty Logging Corporation) at iba pang katulad.

Kasabay ay ang pagkakait ng reaksyunaryong gubyerno sa puu-puong libong maralitang magsasaka, setler at pambansang minorya ng kanilang karapatang makakuha ng titulo at ariin ang mga lupang matagal na nilang pinagyaman at binungkal. Isa ito sa mga dahilan kung bakit 85% ng masang magsasaka ang nananatiling wala o kulang ang sariling lupa.

Katawa-tawa ang sinabi ni Sebastian na nagpamudmod ang gubyerno ng lupa sa mga magsasaka. Ang mga benepisaryo ng Certificate of Land Transfer (CLT) at ang inihalili ritong Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ay hindi tunay na nakapag-angkin ng lupa dahil kailangan pa nilang magbayad ng taunang amortisasyon sa loob ng maraming taon. Karamihan sa kanila ay hindi naman nakakabayad dahil kinakatay na ang kanilang kita ng sari-saring bayaring katulad ng mataas na interes sa pautang at mahal na presyo ng mga bilihin at pangangailangan, habang binabarat pa ang presyo ng kanilang mga produktong agrikultural.

Magkakaroon lamang ng tunay na kaunlarang pang-industriya at reporma sa lupa sa Pilipinas kapag naibagsak na ang paghahari ng mga imperyalista at mga kasabwat nilang malalaking burgesyang kumprador at panginoong maylupa. Sagwil ang mga ito sa pag-unlad dahil ang kanilang interes ay ang pananatili ng ekonomyang agraryo sa kanayunan bilang batayan ng ekonomyang nakagapos sa pag-eeksport ng murang hilaw na materyales para sa pangangailangan ng pandaigdigang pamilihang kapitalista. Tambakan lamang ito ng mga sobrang yaring produktong dayuhan.

Hindi magkakaroon ng tunay na pagbabago sa pamamagitan ng tapal-tapal na reporma. Kailangan ang rebolusyon upang ihalili ang paghahari ng uring manggagawa, magsasaka, petiburgesya at pambansang burgesya. Ang mga demokratikong uring ito lamang ang may kapasyahang paunlarin ang ekonomya sang-ayon sa kanilang interes bilang tagalikha at mayorya ng lipunan.

Itataguyod ang pambansang industriyalisasyon kung saan wawasakin ang kontrol at pambabaog ng dayuhang monopolyong kapital sa industriya ng bansa. Sa pagpapaunlad lamang ng pambansang industriya magagawang putulin ang pagkagapos ng bansa sa mga dikta at di pantay na pakikipagkasundo sa bansang imperyalista. Balansyadong pauunlarin ang ibat ibang aspeto ng ekonomya. Ipaprayoridad ang mabigat na industriya bilang mapagpasyang salik, ang agrikultura bilang basehan ng industriyalisasyon, at ang magaang industriya bilang tulay sa pagitan ng mabigat na industriya at agrikultura.

Ang tunay na reporma sa lupa ang magpapayabong sa agrikultura bilang batayan ng pambansang industriyalisason. Libreng ipamamahagi ang lupa sa mga magsasakang nais magkaroon ng sariling lupa. Para magawa ito, kukumpisakahin ang mga lupaing asendero na ang kalakhan ay natipon sa kanilang pakikipagkutsabahan sa mga dayuhang mananakop, pangangamkam ng lupa at kapit sa gubyerno.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.