Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

LABANAN AT BIGUIN ANG TODONG DIGMA NG REHIMENG US-ARROYO!
IPAGLABAN ANG INTERS NG MASANG MAGSASAKA!
PAIGTINGIN ANG PAKIKIDIGMANG GERILYA!

Partido Komunista ng Pilipinas
Bagong Hukbong Bayan
Pampanga
Oktubre 12, 2002

Ipinagbubunyi ng buong rebolusyonaryong kilusan at mamamayan ang matatagumpay na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa buong bansa. Ito ang matutunog na tugon ng CPP-NPA sa deklarasyong "Todong Digma" ng rehimeng US-Arroyo. Tugon din ito sa matagal nang kahilingan ng masa na bigwasan ang teroristang AFP at bandidong "Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB)".

Agosto 16, 2002, 10:00 ng umaga. Kinubkob ng isang yunit ng NPA ang 5-kataong Recon-Force Team ng 69th IB ng Philippine Army na nagsagawa ng paniniktik sa Sitio Labak, Cuayan, Mexico, Pampanga. Napatay sa raid sina SSgt. Jovencio Vidal at Fernando Castro, intelligence officer at malubhang nasugatan ang iba pa. Nasamsam ang isang M-14, isang M-16, 9mm pistol at mga dokumento.

Agosto 30,2002, 5:30 ng hapon. Inambush ng mga pulang mandirigma ang bandidong pangkat na "RHB" sa kontrol ng ilog sa San Patricio, Mexico. Nadurog ang mga tulisan sa mapangahas na opensiba. Ikatlong ambus na ito laban sa tulisang RHB.

Nagsitakbuhan ang mga ito sa unang engkwentro noong Pebrero 14 sa San Agustin, Sta. Ana at ikalawa noong Marso 11, sa spillway ng Sto. Rosario, Mexico. Nauna pa rito, pinarusahan ng NPA ang mga sagadsaring pwersa nito na naghasik ng terorismo sa mga inosenteng sibilyan tulad ni Rey "Karla" Lagman at iba pa. Ito ay paggawad ng rebolusyonaryong hustisya sa lahat ng biktima ng RHB. Nagdiwang ang mamamayan.

Agosto 31, 2002, 1:00 ng umaga. Inambus ng isang yunit ng BHB ang isang owner-type jeep na sinakyan ng pinagsanib na intelligence network ng 703rd IB at PNP, sa San Jose Lubao. Katatapos lamang nilang magpulong sa isang resort. Apat na kaaway ang napaslang sa nasabing pananambang.

Ang teroristang pananakot ng AFP sa buong lalawigan at paggamit sa tulisang "RHB" at RGA ay bahagi ng "Todong Pakikidigma" ng rehimen laban sa mamamayan. Karahasan ang tugon nito sa panawagan para sa tunay na reporma sa lupa, pagpapataas ng presyo ng palay at iba pang produkto ng mga magsasaka, pagwasak sa pang-uusura, pagpapapataas sa upa ng manggagawang bukid, pagpapababa ng upa sa lupa at mga makinaryang pambukid, pagpusisyon sa lupa, pagpapababa sa presyo ng abono, pestisidyo at mga bilihin at iba pang kahilingan ng masa.

Ang "todong-digma" ay paghahanda ng AFP sa tuwirang panghihimasok ng US sa pamamagitan ng Balikatan Exercises ngayong Oktubre. Ang paghahasik ng terorismo nito ay nagdulot ng paglabag sa karapatang tao tulad ng paninira ng pananim, panghahalughog, pambubugbog, pang-aaresto at pananakot sa kanilang presensya sa mga magsasaka.

Samantala, nahihibang ang bagong sepulturerong PNP Provincial Director Rodolfo Mendoza nang buong kasinungalingang ihayag sa media na payag at gusto ng mga punong barangay na magtayo ng grupong vigilante tulad ng Red Vigilante Group, RHB at RGA laban sa rebolusyonaryong kilusan. Hangal ang bituka at nasisiraan ng ulo ang rehimen. Ang pagbubuo ng mga bandidong ito ay lalo lamang magpapasiklab sa apoy ng digmang bayan dulot ng krisis sa ekonomya at pulitika

Subok at napanday ang NPA sa 33 taong pakikidigma laban sa reaksyon. Beterano sa karanasan ang mga pulang kumander at mandirigma nito bilang lingkod ng sambayanan. Tulad ng mga naunang kampanyang militar, kabiguan lamang ang hahantungan ng Oplan Gordian Knot ng kasalukuyang hambog at uhuging rehimen. May mahigpit na ugnay ang NPA sa masa. Kinakalinga ng masa ang NPA. Sinasalamin nito ang rebolusyonaryong adhikain ng sambayanan taliwas sa gawain ng AFP bilang mga kriminal, holdaper, kidnaper, mangongotong at protektor ng mga kontra-mamamayang gawain.

Ipinapakita ng sunud-sunod na mga taktikal na opensiba ng NPA ang kahandaang lumaban at biguin ang "Todong Digma" ng rehimeng US-Arroyo. Ito ay ang kahandaang ipagtanggol ang saligang kahilingan ng masang magsasaka at sambayanan. Saanmang labanan, masa ang mapagpasya! Paglingkuran ang masa, biguin ang kaaway!

Pagbayarin nang mahal ang berdugong 69th IB ng PA at PNP!
Lansagin ang bandidong "RHB"-RGA!
Paigtingin ang pakikidigmang gerilya!
Ibagsak ang rehimeng us-Arroyo!
Mabuhay ang CPP-NPA at NDF!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.