Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino English
   

Mapulang Pagpupugay sa Dalawang Martir ng Sambayanan!

Panlalawigang Komite ng Partido
Partido Komunista ng Pilipinas-Bulacan
Marso 31, 2003

Nagpupugay ang buong rebolusyunaryong kilusan sa kabayanihan nina Kasamang Arnel San Juan o �Ka Gerald� at Kasamang Norbel Ortega o �Ka Carmi�, mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan at mga huwarang komunista at rebolusyonaryo. Isinakripisyo nila kahit ang sariling buhay para sa kapakanan ng nakararami. Ang ipinakita nilang kagitingan at diwang walang-takot sa gitna ng labanan ay maningning na halimbawa na dapat nating tularan.

Sina Kasamang Gerald o Arnel San Juan, at Kasamang Carmi o Norbel Ortega, ay dalawang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan na nasawi sa labanan noong Marso 29, 2003. Walang pag-iimbot na inalay nila ang kanilang buhay para sa simulaing mapalaya ang sambayanan sa matinding pagsasamantala at pang-aapi ng dayuhang Imperyalistang US, ng lokal na mga kasabwat na malalaking kapitalista, panginoong maylupa at ng mga burukrata-kapitalista sa pamahalaan.

Si Ka Gerald, 22 taong gulang, ay mula sa pamilya ng maralitang magsasaka. Hindi mahirap para sa kanya na unawain at yakapin ang simulain ng rebolusyon dahil ang mismong karanasan sa buhay ng kanilang pamilya ay batbat ng pang-aapi at pagsasamantala. Wala silang sariling lupa kaya�t binungkal nila ang isang parsela ng lupaing publiko. Ngunit kinamkam ito ng panginoong maylupa at pinalayas sila dito. Namulat at sumampa si Ka Gerald sa gitna ng pakikibaka ng masang magsasaka sa bayan ng San Miguel para sa tunay na reporma sa lupa.

Isang huwarang mandirgma at pinuno si Ka Gerald sa yunit ng Bagong Hukbong Bayan. Isa din siyang mabuting kasapi ng Partido Komunista. Sa loob ng halos tatlong taon, kinakitaan siya ng walang kupas na kasipagan sa gawain, mabait at mahusay na pakikitungo sa masa at kasama, at di natitinag na katapangan sa maraming labanang naranasan. Sa huling labanang sinamahan, hinawakan niya ang ripleng garand at gumampan siya bilang sniper na puminsala nang marami sa kaaway.

Si Ka Carmi, 23 taong gulang, ay mula sa angkan ng mga pulitiko sa lalawigan ng Palawan. Naninirahan siya sa bayan ng Norzagaray at dito na siya naugnayan at namulat. Madaling naunawaan ni Ka Carmi ang katumpakan ng simulain ng rebolusyon at ang papel ng kabataan sa pagbabago sa ating lipunan. Sumapi agad siya sa Kabataang Makabayan at naging aktibo sa pag-oorganisa sa kanilang komunidad. Nag-boluntaryo at hindi nag-atubili si Ka Carmi sa pagsapi sa hukbong bayan nang malaman niyang kailangang palakasin ang yunit sa kanilang lugar. Halos dalawang buwan pa lamang sa loob ng yunit si Ka Carmi ngunit kinakitaan na siya ng kahusayan.

Malinaw sa dalawang kasama na sa pamamagitan ng armadong rebolusyon pangunahing makakamit ang tunay sa kalutasan sa kahirapan at pang-aapi sa mamamayan. Kaya nga�t ang buong lakas, talino, kakayahan at ang huling hininga ay kanilang inialay. Batid nilang nasa hukbo ang pag-asa at lakas ng mamamayan. Kung wala ang Bagong Hukbong Bayan, wala ni anuman ang mamamayan.

Nalagasan ang ating hanay ng dalawang kasama pero alam natin na mas marami ang papalit. Sa bawat isang mawala, libo-libo ang titindig at hahawak ng armas. Ang maagang pagpanaw ng dalawang kasama ay apoy na patuloy na magpapalagablab sa ating kapasyahang ipagpatuloy ang pakikibaka hangga�t hindi nagagapi ng sambayanan ang kaaway.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.