Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino English
   

GEN. BRAGANZA AT SUPT. SERAPIO:
Mga Sinungaling at Tanga

Front Operational Command
New People's Army
Eastern Bulacan
Marso 31, 2003

Aming pinabubulaanan ang mga pahayag ng PNP at AFP hinggil sa naganap na labanan noong Marso 29, 2003 sa bayan ng Angat, Bulacan. Ang pinagsasabi ni Gen Braganza at Supt. Serapio ay pawang kasinungalingan at malinaw na palatandaan ng kanilang malaking katangahan.

Isang platun na binubuo ng dalawampu�t lima katao ang napalaban sa araw na iyon. Sila ay naroon sa baranggay Pulong Yantok upang maglunsad ng pulong pag-aaral bilang paggunita sa ika- 34 na taong anibersayo ng NPA.

Bandang alas 5:30 ng umaga ng araw na iyon, namataan ng NPA ang paparating na pinagsanib na pangkat ng PNP at 56th IB ng Phil. Army. Nasa bentaheng posisyon ang mga pulang mandirigma at una itong nakapagpaputok sa lumulusob na kaaway. Dito pa lamang, marami nang tinamaan sa bahagi ng pulis at militar. Samantalang sa NPA, isa ang nasugatan at nasawi, si Kasamang Carmi o Norbel Ortega ng Norzagaray, Bulacan.

Sa kanilang pagmamaniobra, ang naturang platun ng NPA ay nakarating na sa barangay Siling Matanda, Pandi, nang magpasya itong abangan at pinsalain ang sumusunod na kaaway. Pumusisyon ito sa mataas na burol at hinayaang makalapit nang sampung metro ang pulis at militar. Nalipol agad ang isang pangkat ng sumusunod na kaaway, samantalang ang iba pa ay nagsitakbuhan pabalik. Nakakumpiska ang NPA ng 6 na ripleng M-16 at isang cal 45 na pistola sa bahaging ito ng labanan.

Ngunit nagulat ang NPA sa di-inaasahang malaking katangahan ng mga opisyal ng PNP at AFP. Walang-awang paulit-ulit na pinalulusob nito ang kanilang tauhan kahit alam nilang mahirap lapitan ang pwesto ng mga pulang mandirigma. Kahit nga ang dalawang Armored Personnel Carrier (APC) ay hindi magawang makaahon at makalapit sa posisyon ng NPA. Sa buong maghapong matinding palitan ng putok, kitang-kita ang di bababa sa dalawampung nakatimbwang na pulis at militar sa gitna ng posisyon ng dalawang panig. Sa bahagi ng NPA, isa pang mandirigma, si Kasamang Gerald o Arnel San Juan, ang nag-alay ng buhay. Pagsapit ng dilim, tahimik na umalis ang mga pulang mandirigma. Tuwang- tuwang sinalubong sila ng masa sa isang ligtas na lugar at inalayan ng malamig na tubig, tinapay at kendi. Nagbunyi ang buong mamamayan sa tagumpay ng NPA at sa kabayanihan ng dalawang martir ng sambayanan!

Ang kasinungalingan ni Gen. Braganza at Supt. Serapio ay bahagi ng taktikang psywar ng AFP at PNP para pagtakpan ang sunod-sunod na pagkatalo sa labanan at siraan ang rebolusyonaryong kilusan. Kabilang na rito ang pag-salvage kay Michael Santiago, isang barangay tanod ng San Roque, San Rafael, Bulacan at walang kaugnayan sa rebolusyonaryong kilusan. Matapos paslangin itong si Michael, binihisan ng pinaglumaang uniporme ng NPA at pinalabas na may engkwentrong naganap sa Pasong Intsik, San Rafael.

Hindi maitatatwa ng anumang kasinungalingan ng pasistang militar na mabilis na sumusulong ang rebolusyon tungo sa tagumpay.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.