Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Pahayag hinggil sa Pagtatapos ng Tigil-Putukan

Arman "Ka Arms" Guerrero
Tagapagsalita
National Democratic Front of the Philippines�Rizal
Enero 03, 2005

Opisyal na dinideklara ng buong rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ng Rizal sa pangunguna ng NDF-Rizal ang pagtatapos ng 10 araw na unilateral na deklarasyon ng tigil putukan (Ceasefire) mula kahapon ng ika-12 ng hatinggbi, Enero 2, 2005. Mahigpit na tumalima ang mga armadong pwersa ng lalawigan ng Rizal sa pangunguna ng NAAC-NPA-Rizal. Walang anumang opensibang aksyon na ginawa at nanatili sa kani-kanilang eryang saklaw ang mga pwersa ng NAAC-NPA-Rizal para sa paglulunsad ng pagtulong sa mamayang sinalanta ng kalamidad sa lalawigan. Ginamit din ng rebolusyonaryong pwersa ng Rizal ang panahon ng tigil putukan para matagumpay na ilunsad ang pagdiriwang sa ika-36 na anibersaryo ng pagkatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas na dinaluhan ng mahigit 100 pwersa at tagasuporta ng rebolusyonaryong kilusan sa Rizal mula sa kanayunan at kalunsuran.

Mula sa araw na ito, tinatagubilinan ang lahat ng kasapi ng rebolusyonaryong kilusan laluna na ang mga pwersa ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-Rizal) na maglunsad ng mga kakayaning maipanalong mga taktikal na opensiba para parusahan ang mga sagadsaring tagalabag sa karapatang pantao at mga kinamumuhiang mapagsamantala at mapang-api sa mamamayan. Gawin natin ang lahat ng makakaya upang makapag-ambag sa pambansang plano na patindihin ang mga opensibang gerilya upang isulong ang bagong demokratikong rebolusyon. Pagbayarin natin ng mahal ang mga alipores ng rehimeng US-Macapagal sa lalawigan ng Rizal.

MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.