Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    English Pilipino
   

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Mungkahing national ID, bahagi ng planong pagpapalawig ng termino at pagpapaigting ng pasismo ni Arroyo -- PKP
Enero 8, 2008

Kinundena ngayon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang Malakanyang at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsasabuhay sa planong ilunsad ang isang "national ID system" dahil ito ay "bahagi ng paghahanda para sa pagpapalawig pa ng pamumuno ni Gloria Arroyo at patindihin ang patakarang pasista."

Sinabi ng tagapagsalita ng PKP na si Gregorio "Ka Roger" Rosal na "ang paglulunsad ng isang national ID system ay mayor na sangkap sa pasistang plano ni Arroyo para sugpuin ang paglaban at ipwersa ang ekstensyon ng kanyang paghawak sa poder lampas sa 2010. Sa kamay ng mga pasistang upisyal ni Arroyo, ito ay gagamitin para isailalim ang populasyon sa isang police state - upang kontrolin ang galaw ng mga mamamayan, sikilin ang kanilang pundamental na karapatang demokratiko at sibil, at ipatupad ang paghahari ng teror."

"Kasabay ng Human Security Act (HSA), ang national ID system na plano ni Arroyo ay gagamitin upang paigtingin ang terorismo ng estado at sikilin ang paglaban ng mamamayan sa muling pagkaluklok ni Arroyo oras na matapos ang kanyang labag-sa-batas na termino sa 2010," dagdag ni Rosal. "Ang mga gwardiya, militar at pulis na upisyal ni Arroyo ay nagpaplanong gamitin ang national ID system katulad nang paggamit ng mga kolonyalistang Espanyol sa sistemang sedula upang pahirapan ang mamamayang Pilipino."

Minaliit ni Rosal ang pahayag ng AFP na ang national ID system ay magiging epektibong instrumento sa pagpapahinto sa pagsulong ng armadong rebolusyonaryong kilusan. "Magiging epektibo lamang ito sa pandarahas sa mamamayan, pahihirapan silang mamuhay, ang kanilang kabuhayan at paglalakbay at gagalitin sila. Tulad nang pagkamuhi ng mga Pilipino sa sedula noong panahon ng paghahari ng Espanyol, ang galit ng mamamayan sa national ID system sa sandaling ito ay ipatupad, ay magreresulta lamang sa kanilang mas mataas na pagsuporta sa armadong rebolusyon at pagpapaigting ng paglaban sa pasistang pamumuno ng reaksyunaryong estado."

"Sa isang bulok, papet, umiigting na namamasistang rehimeng Arroyo na patuloy na iginigiit ang sarili sa pamumuno sa bulok na reaksyunaryong estado, lalo pang dumarami ang mamamayang nakukumbinse na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan at tulungan ang rebolusyonaryong armadong pagkilos bilang pinakaepektibong paraan upang wakasan ang teroristang estado at ang buong bulok na sistema."

Hinikayat ni Rosal ang mga progresibo at demokratikong pwersa, ang malawak na oposisyong anti-Arroyo at ang buong mamamayang Pilipino na matinding labanan ang pagkakaroon ng national ID system. "Ang rebolusyonaryong armadong pwersa at kilusang masa ay maglulunsad ng mas marami pang hagupit laban sa pasistang haligi ng rehimeng Arroyo upang makatulong sa pagbigo sa panukalang humigit pa ang pagkapit sa poder lampas 2010."

Reference:
Marco Valbuena
Media Officer
Cellphone Numbers: 09179776392 :: 09282242061
E-mail:[email protected]


Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Multimedia]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.