Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  

Mga karagdagang larawan ng Bagong Hukbong Bayan
sa ika-36 taon nito


Photo Gallery home
Back to 35th year photos
Back to the NPA section homepage


"Ipinagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang natipong mga tagumpay ng BHB sa nagdaang taon. Ang BHB ang pangunahing instrumento ng mamamayang Pilipino sa pagsusulong ng matagalang digmang bayan...

Patuloy na ipinamamalas ng BHB ang superyoridad ng suportang masa at mga taktikang gerilya laban sa mersenaryong Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP)...Ang mga taktikal na opensiba ng BHB sa nagdaang taon ay nagresulta sa pagsamsam ng ilandaang armas, karamiha'y malalakas na sandata. Ang bilang ng baril na nalikom ng BHB ay sapat upang armasan ang ilampung karagdagang platun ng BHB. Gayunpaman, mas mabilis dumami ang bagong mga mandirigma kaysa mga armas...

Mabilis na lumalawak at lumalalim ang baseng masa ng rebolusyon sa kanayunan. Milyun-milyong mamamayan ang napapabilang sa mga samahang masa at nasasaklaw ng pamamahala ng mga rebolusyonaryong awtoridad na demokratikong inihalal o hinirang ng masa. Pangunahing ipinatutupad nito ang rebolusyong agraryo. Isinusulong ang mga kampanya upang ibaba ang upa sa lupa, pawiin ang usura at pataasin ang antas ng produksyon at kita ng masang magsasaka. Kaalinsabay nito, ipinatutupad ang mga programa sa edukasyon, kalusugan, katarungan at depensa para sa kapakinabangan ng mamamayan."

--Mga sipi mula sa pahayag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal
sa ika-36 anibersaryo ng BHB














Nakikita niya ang malaki at importanteng papel ng kababaihan sa pagsusulong ng rebolusyon, partikular sa larangang militar. Bata pa ma'y namulat na, ngayo'y mayaman na ang kanyang karanasan sa mga labanan at taktikal na opensiba. Sa larawang ito, naka-tudla siya bilang bahagi ng pagsasanay sa inilunsad na ehersisyo sa combat maneuvers at war games.









Crossfire! -- Nagkaroon ng 'engkwentro' habang nagmamaniobra ang tatlong kasama tungo sa bravo position. Isang eksena sa war games na bahagi ng tuluy-tuloy ang paghahanda ng mga kasama para sa papatinding gyera ng kaaway.



"Asolt!", kumand ni Ka Jaime sa kanyang team upang magbigay ng pamatay na dagok sa kaaway. Baguhan ang halos kalahati ng oversized platoon na naglunsad ng pagsasanay sa combat maneuvers.



Nagpapatintero ang mga kasama habang umaahon sa gabahay-laking mga bato sa ilog. Galing sa matagumpay na pagsasanay sa kombat maniobra, pabalik na sila sa regular na ikot ng platun sa gawaing masa.



"Nalalang na naman natin ang kaaway dahil matagumpay nating nailunsad ang unang kumperensya ng PKM (Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid) sa ating baryo!", anang kalihim ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) ng baryo. Mahigit 50 kataong kinatawan ng mga organisasyong masa ang dumalo sa kumperensya, maliban pa sa mga kasapi ng mga grupo ng mga bata. Sa larawan, nakaagap si Ka Binoy para sa pagkanta ng Internationale para sa pagbubukas ng kumperensya.



Sa ilaw ng bonfire at al fresco na sinaliwan ng mga huni ng kuliglig sa gabi, inilunsad ng isang platun ang pulong para sa pagpasampa sa Hukbo ng mga husto-sa-gulang na mga kasapi ng Grupong Pang-organisa (GP) ng Kabataan. Nakapagpaapaw-damdamin ang pagpahayag ng ilan sa kanilang mag-pultaym. Sa larawan, ikinukwento ng ilang kasama kung papaano sila nagpultaym.






Mahalaga ang mahusay na paggabay at pagsasanay para sa maayos na pagpanday ng mga bagong pultaym. Nag-uumpisa ito sa pagbigay ng mga batayang pag-aaral sa Hukbo tulad ng mga Saligang Alituntunin ng BHB. Sa larawan, nagbibigay ng pag-aaral sa regulasyong militar sa mga ahitadong bagong-pultaym si Ka Milan, isang kadre ng platun.





Sa kanyang libreng oras, nagbabasa ng Ang Bayan si Ka Raymart, isang exposuree. Makakatulong aniya ang pagbabasa ng Ang Bayan para maging updated sa mga isyu at rebolusyonaryong pagsusuri. Kinukumbinse siya ng mga kasama na magpultaym. Kahit malayo sa pamilya, napangingibabawan niya ang lungkot na minsa'y nararamdaman. Galing siya sa uring magsasaka at maagang namulat at kumilos.




Sa gitna ng pulong-pag-aaral hinggil sa Demokratikong Gubyernong Bayan at mga pandaigdigang alituntunin sa digma, masayang nagkakantahan ang mga kasama at mga myembro ng organisasyong masa sa pangunguna ni Ka Milan. Ayon kay Ka Milan, nakatutulong ang pagtuturo ng mga awit at iba pang kulturang pagpapatanghal sa pagpapahigpit ng integrasyon ng mga kasama at masa.












Masipag na nagbabaak ng niyog si Ka Ryan habang naglalaro sa tabi si Harry, bunsong anak ng mga kasama sa isang baryo. May 300-600 bunga ng niyog ang kanyang binaak. Pambenta ito ng masa sa copra dealer sa tantsang halagang P6,000.












Nagiging eksperto na si Ka Elor, dating estudyante sa kalunsuran, sa pagtatahip ng bigas na binabayo naman ni Ka George. Malaki ang naitutulong ng pagkakaingin at pagtatanim dito ng palay bilang pantawid-gutom ng masa.







Mahirap na may maubusan ng ulam, ani Ka Sonny, kayat masipag niyang binabadyet ang ulam. Pagkakasyahin niya ito sa mahigit isang platun ng mga kasama at masa. Dating S4 sa yunit na pinanggalingan, kailangan aniyang maayos na natitimbang ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga kasama at kakayanan ng yunit na matugunan ito para hindi magsobra at hindi rin naman magkulang.







Matagal na ang ubo at may sore-eyes pa si Indeng, anak ng isang kasapi ng SPL sa isang baryo. Tuwang-tuwa ang mga magulang niya dahil maipagagamot siya sa klinikang bayan na inilunsad ng mga kasama. Sa larawan, maingat siyang tinetsekap ni Ka Ramsel, isang rebolusyonaryong medik.



Dahan-dahang inaakyu ni Ka Milan si Ka Carlos, kasama sa SPL at pangulo ng PKM sa baryo. Malaking ginhawa ito para ay Ka Carlos, na matagal nang iniinda ang pangangalay ng binti. Bukod sa pag-aakyu, nagbubunot din ng ngipin si Ka Milan, nagsasagawa ng mga minor na operasyon at may karanasang tumulong sa pagpapaanak.



Abalang-abala si Ka JR sa kanyang pagkukwenta at pagtala ng mga gastusin ng platun. Bilang S4, maingat niyang binabadyet ang salapi at materyales na napapasulpot para matugunan ang pangangailangan ng platun. Noon pa mang sa baryo pa lamang kumikilos si Ka JR ay nahasa na siya sa gawaing ito bilang ingat-yaman at tagapangasiwa ng pagkain.

Tuwang-tuwang binabasa ng isang mag-ina ang librong "Pulang Mandirigma". Masayang ikinukwento ng bata ang mga nakikita niya sa libro, at paborito niya ang mga larawan ng mga pagsasanay-militar. Halos gutay-gutay na ang libro sa paulit-ulit na pagbabasa't sa dami ng nakahawak dito, subalit pinagtitiyagaan pa rin ng mga kasamang ibahagi ito sa mga kasama't masa. Inilalarawan sa libro ang buhay ng isang pulang mandirigma bilang hukbo ng mamamayan.













Mainit na nagpapaalam si ka Ocean at ang kanyang yunit sa mga masa sa baryo. Baon niya ang mga ngiti at habilin ng masa na laging mag-ingat hanggang sa muling pagdadaop-palad.


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.