Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose

Ruth Firmeza
20 Setyembre 1981
Burol ng Bulbog, Baggao, Cagayan


Pagkatapos ng Unos




Pagkatapos ng unos, kay liwanag ng paligid ang nakalukob na dilim, sandaling napalis matigas na lupa'y lumambot sa. tubig mga kahoy na basa'y madaling maparikit   Sa init ng tag-araw, lamig ang humalili ang sikat ng araw ay laging nakakubli ulan ang dala ng ulap na laging nakatabi sa tuktok niyong bundok na may hiwagang iwi-iwi   Ulan, kawangis mo ang luha ng hinanakit sa mga buhay na kay aagang naibuwis sa mga kasamang di matagpuan at nangapipiit sa kanilang mga di na daranas pa ng dusa at pasakit   Pagkatapos ng bagyo, dugo ay titigas sa lupa, sa kariton, sa sementong nakalatag mapupunasan ng tubig ang liku-likong landas durog na laman at buto'y hihimlay na sa wakas   Ka Romeo, Ka Grey, Ka Dennis kaylakas ng unos nang kayo ay nasawi sa lakas ng hangin waring mga dahong tinangay ng ipu-ipo't buhawi   Humimlay kayo at ang awit ninyo'y nasa amin lagi ang alab nito'y di magbabawa kahit kaunti at ang mga basang daho'y magbabagang muli tulad ng mata naming basa sa luha at pighati    

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.