Ruth Firmeza 26 Abril 1993 Baggao-Gattaran-Alcala, Cagayan
Tandaan Mo
Alalahanin mo, kasama,
sa. bawat paghinto't paghinga
sa tigang na lupa, ang init ng daigdig
laluna sa tag-araw; mailap ang ulan
at laganap ang tag-gutorn,
malakas man ang hangi'y
yumuyuko lamang ang ublag na kawayan
Alalahanin mo ang mga wasak na dampa
ng mga pinalikas:
inaagiw ang mga kisame,
abo ang mga haligi, kinakalawang ang mga galba,
baklas ang dinding, sa. maruming solar
anino na lamang ang masayang pagdalo
ng mga naninirahan sa mga pulong,
ang pagbubuo ng base,
bago magreaksyon
Masdan mo ang matatayog na supling pang mga puno,
nagsisibangunan sa gitna ng matataas na talahib
kung saan inilibing ang mga martir.
Sa dating kaingin, ngayo'y may mga ublag
na tanging daanan, ligtas na ruta
paghagibas sa mga larangan
Masdan mo ang bawat liko ng ilog
ang matatarik na banging aakyatin
padausdos, pahilig paakyat,
taguan sa dumadagundong na helikopter
na namamanginoon sa. papawirin
habang ating pinag-aalinlanganan ang bawat sukal
umiiri sa pag-akyat sa alapaap
habang mahigpit ang hawak sa gatilyo
handang magbuga ng kamatayan
sa pinupuntirya
Maingat mong suriin and bawat pwesto
babaunin ba sa kamatayan ang kalabit
at mahigpit na diin sa gatilyo
o uutasin ang kaaway na nagtatanod dito?
Huwag na huwag mong iwawaglit sa gunita
ang mga sinunog na bangkay, pinugutan ng ulo,
pinagsamantalahang katawan ng patay na kasama,
ang mga ngahalo't di na nakita pa,
ang mga pinakain ng sigarilyo't ng kanilang bulbol
ang mga binalian ng tadyang habang
ang mga taksil at pasista'y nagpapakaligaya
sa kanilang kamunduhan
habang nagpapatawa ang mga announcer
na nagbabalita ng mga promosyon ng mga heneral
at masasaya nilang piging at tagumpay
Tandaan natin ang mga mandirigma
hindi nanikluhod o nagmakaawa sa estado,
hinahawakang mahigpit ang sandata, natiis kumain kahit walang asin,
kahit ilang subo, tiniis ang ginaw ng gabi at init ng katanghalian,
ang malayo sa kanilang minamahal;
kinayang harapin ang mga suliranin
nang buong tatag
at nasawi.
Kapag ito ay ating natandaan
(ang paghihirap ng masa
ang pagkaapi ng bayan at uri
ay gahigante kung ihahambing sa sariling kapakanan,
sa ating paghihirap at pagpapakasakit)
mahaharap natin
ang pagsusulong ng rebolusyon
na handa ang loob
diwa at isip
|