|
Kris Montaņez
Kalikasan
Isang dahon ang gumalaw;
Isang Pulang mandirigma ang nabuwal.
Sa tanghaling-tapat
Na walang kahangin-hangin-
Ano't sa tanghaling-tapat
Na halos di humihinga'y
Isang dahon ang gumalaw,
Isang Pulang mandirigma ang nabuwal.
Walong Pulang mandirigma
Na nalingat sa libis ng bundok
Sa tanghaling-tapat;
Isa ay nabuwal.
Isandaang dahong
Walang kagalaw-galaw
Sa tanghaling-tapat
Na walang kahangin-hangin
Sa tuktok ng bundok
(Kalbong bundok na ano't isang gabi'y
Sinibulan ng isandaang dahon!);
Isa'y gumalaw.
Ay, isang Pulang mandirigma ang nabuwal.
Sa tuktok ng bundok,
Isandaang dahon;
Sa libis ng bundok,
Walong Pulang mandirigma.
Sa tanghaling-tapat,
Isang dahon ang gumalaw,
Isang Pulang mandirigma ang nabuwal.
|
|