|
Katalino Maylayon 19 Nobyembre 1983
:Malayo, Malapit
Napakalapit sa 'kin ngayon
Ng pagkaganda-gandang Mayon;
Diwa ko nama'y di mapigil maglakbay
Tungong pagyakap sa nakagigigil na panganay
Na bukas ay magdadal' wang taon.
Ah, naging madalas na rin noon
Na di ko nakakasama't nakakaniig
Ang kabiyak kong iniibig, kahima't
Nasa iisang lilim lang kami ngn Arayat.
Pamilyang mahal,
Pagkakalayo'y mahapdi, waring kaytagal!
Lamang, kailangang magpunyagi,
Sa pagpapakasakit ay 'wag manghihinayang;
Para sa magandang bukas, laluna nitong anak,
Ang balang bunga ng mga pagsisikap.
Para sa inyo, aking mga mahal,
Sa malalayong bundok o kaya'y sa patag,
Sisikapin kong huwag mapagal.
Napakalayo noon ng tagumpay;
Ngayon naman, di na gaanong magtatagal!
|
|