|
Emin Peņa 19 Oktubre 1982
Bagyo
Ang bagyo ay dumarating
at nagpapanday sa atin.
Sinisira ng bagyo
ang mga palay sa bukid at mais sa kuman;
itinutumba ang mga mahihinang kubo.
Ngunit matapos ang bagyo,
muling babangunin ng magsasakang
daana't iwanan ng bagyo ang kanyang
kubong natumba,
aanihin ang anumang natira sa palay at mais,
tatanawin ang susunod na taniman;
di siya nagpapakulong sa pinsalang dulot
ng bagyo.
Isang bagyo
rin ang nangyari nitong 17 Oktubre sa Bitag Grande.
Nasawi ka, Kasamang Jacky, habang
nakikipagpalitan ng putok sa mga kaaway;
nakuha ang iyong ripleng M-16, pati ang tatlong
pak, ang Hang klasipikadong dokumento
at impormasyon sa sona
at nabulabog ang piano para sa kampanyang
magsasaka at propaganda.
Ngunit tulad ng magsasakang daana't iwanan ng bagyo,
muli tayong titindig, Ka Jacky,
susuriin kung saan tayo nagkamali,
kung ano pa ang natitirang pwedeng anihin,
kung ano pa ang maaaring bangunin;
tatanawin natin ang ningning ng araw
at ang sanlibo't isang posibilidad at pag-asang dala nito.
Di tayo patatalo sa bagyo,
sa mga hirap ng pakikibaka,
pagkat di na tayo mga petiburges na mabubuway
na sa bawat hambalos ng habagat
ay nagtatago sa kanyang agurong,
sa palda ng kanyang kunsintidor na mama,
tayo'y mga rebolusyonaryong determinadong
pangibabawan ang bawat bagyo.
Di nga ba't ang buhay,
ang pakikibaka,
ay isang serye ng mga bagyo?
|
|