|
Emin Peņa 8 Agosto 1982
Kumusta da Ka Desto?
Nag-uumapaw ang aking damdamin sa galak
habang nakikinig ako sa magsasakang nagkukwento
sa amin tungkol sa paghahatid nila ng kabuhayan
para sa isang kumperensya
"idiay banda ti Sierra Madre idi 1977."
Kung di ako namamali,
ang unang kumperensya ng Partido
sa rehiyon ang tinutukoy niya.
"Nabayagen a ditay nagdidinna manen,
kakadua! Mailiwkam kadakayo!" ang
madamdaming bigkas ng magsasaka.
Napakasigla ng masa sa baryong ito,
na siyang pinakamalaki sa bayang
ito ng dakong silangan.
Ilang balik pa namiy magiging konsolidadong
lugar na ito;
nakapundasyon na ang mga aktibistang
muling pinapakilos.
"Kumusta met da Ka Erving, Ka Ramon,
Ka Desto, Ka Sander, Ka Lagring, Ka Sidro,
Ka Ninoy?"
|
|