Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose

Jason Montana


Kaingin (Filipino)




Bago tayo muling umalis, Bago pumutok ang araw, May isang sandaling nagbibigay-liwanag sa aking mga mata, Nagsisimula bilang makapal na ulap   Na mabagal na urnaangat sa buong paligid. Isang iskwelahan sa tagaytay ng bundok Ang unang nagising, Wala pang mga bata.   Dumating tayo para muling mag-aral. Ang simoy ay naghahatid ng kaunting ginaw Sa aking dugo. Sa gawing ibaba nati'y May palayang mahusay ang pagkakagawa,   Korteng lawa Na nakabukas sa halina ng ulap At hugis ng mga bundok sa umaga. Umangat pa ang mga ulap,   At ang panginorin ay ang kahusayan Ng mga magsasaka sa pagkakaingin At mga abung na urnaangkin ng kapuri-puring Mga pinitak, komunal na patubig   At mayabong na mga gubat na nakabaytang-baytang. Paghakbang sa payaw, ang ating mga tungkuli'y Lumilinaw. Ang tahimik na pagkilos Ng mga gerilya'y dumudurog,   Minsa'y tulad ng isang pambihirang talampas, Minsan nama'y tulad ng baku-bakong lambak. Ang nakikita nati'y mga nayong nakapaligid Ngunit hindi pa lubusang napagdurugtong-dugtong.   Ngayo'y may bagong kahulugan ang mga lumang landas. Kailangang magbukas ng mga larangan At magtayo ng mga lagusan ng tubig Mula sa malalayong bukal tungo sa mga tapayan ng nayon;   Mula sa masang anakpawis Tungo sa Partido at Hukbong Bayan; Susing kawing na bumabagtas sa lubak-lubak Na kalupaan ng dyaIektikang pumapaikid.   Ngayo'y kumikinang ang malawak na lugar na ito, Baha-bahagi, habang ang mga sandali'y umuusad At naghuhudyat ng paggising ng mga aso't Tandang. May usok   Na nagmumula sa may kulumpon ng mga puno Ng bunga. Nasa isang burol Pa nga lamang tayo, at tiyak ngang Ang mas matatayog na katotohana'y naghuhumindig   Sa paligid natin, walang ituktok ang ilan. Ang umaga'y isang matagalang pakikibaka. Naririto ang mamamayan. Tayo'y naririto At sa bundok na ito'y   Naidagdag na nga natin ang kahalagahan ng uring manggagawa. Paanong hindi tayo magwawagi? Ilang minuto pa't Ang kakabiyak na buwa'y sumuko sa araw!   (K.M.)

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.