Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose

Wilfredo Gacosta
Enero 1972


Mga Alaala ng Unang Araw Bilang Kadre sa Nayong Tinubuan




  mga kilalang mukha ang ngayo"y kaharap ko... mga dating batang gusgusin, sunog ang balat sa init ng araw, pinaalat ang pawis ng simoy ng hangin mula sa dagat Pasipiko. ang kanilang tapang ang sa aki'y maagang nagturo na pangahasang bagtasin ang rumaragasang ilog. sila ang katulong sa pagtatayo ng mga munting kastilyong baybay, kahawak-kamay sa pakikipaghabulan sa mga along sumasalpok sa mahabang dalampasigan. ang nakatutulig nilang kantyaw ang sa aki'y nagpaiyak nang mahulog ako sa kalabaw. kaibigan ko silang matalik laban sa sanlibong mayang nagnakaw sa mga buntis na butil sa ginintuang palayan. sila'y aking kadamdamin sa paghanga sa payak na ganda ng panauhing dilag sa napipintong anihan, karamay sa munting ligaya at sanlibong hapis sa loob ng dukhang bakuran.   ngunit ang mga titig nila ngayon ay mga di kilalang titig... ako ba'y dayuhang dapat layuan? isa bang kataksilan ang bumigkas ng mga bagong kataga at umawit ng mga bagong himig ng namulat na alipin?   a, sa isang kisap-mata, mababalikan ang lumang pakikisama. datapwa't dapat na lamang bang panoorin ang malayong tanawin ng makabagong pagkakaibigan?   a, pupungay rin ang kanilang mga titig sa ningning ng paglaya. titibok din sa kanilang puso ang alab ng paghihimagsik. sapagkat kaibigan ko sila sa pagkaalipin, makakasama ko sila sa paniningil!   at hihigpit ang magkahawak na kamay sa pagtatanod sa laot at dalampasigan, ang panunukso ay magiging pag-uusig sa mga mangangalabaw, hahaba ang hanay na haharang sa mangangamkam, at sa iisang himig ay ipagbubunyi ang bawat tagumpay!    

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.