Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose




GLOSARI/TALA TUNGKOL SA MGA TULA




Ruth Firmeza  
Banig
Banig: isang lugar sa Baryo Malaping, Tumauini, Isabela.  
Pitso Manok
Pitso Manok: isang bundok sa pagitan ng Penablanca at Baggao, Cagayan  
Tandaan Mo
Ublag: kubong pahingahan ng mga magsasaka sa gilid ng bundok.

Lucia Makabayan  
Ina Teresa
Saleng: kahoy na panggatong mula sa punong pino. Makoto: bakpak.  
Sagada
Ili: nayon. Dap-ay: bahay-komunal.

  Servando Magbanua  
Tomloy
Inambus ng may 13 kataong iskwad ng Bagong Hukbong Bayan ang isang 9-kataong iskwad ng Philippine Army na nangungulekta ng palay noong 2 Oktubre 1978. Isang sundalo ng Army ang napatay noon din at isa naman ang nasugatan sa enkwentrong ito na nangyari malapit sa pinagsisimulan ng batis ng Tomloy, sa pampang ng Ilog Pan-ay, sa Rizal Norte, Tapaz, Capiz. (Talababa ng makata, mula sa orihinal na Ingles.)  
Poem Written Beside a Peasant Comrade's Grave
Si Douglas Olido ay kilala bilang 'Kasamang Maone' ng mga magsasaka sa Daan Sur, Tapaz, Capiz. Siya ay myembro ng Communist Party of the Philippines at tserman ng lokal na komiteng tagapag-organisa sa mga magsasaka hanggang sa siya ay paslangin noong 22 Marso 1978.   Pinangangasiwaan niya ang pagtatanim ng palay sa kaingin nang sigawan siya ng isang tim na panalakay ng ICHDF (Integrated Civilian Home Defense Forces) para sumurender. Kaagad na binunot niya ang kanyang baril at nagpaputok, pero walang natamaan sa kaaway. Sa ganting-putok ng kaaway, natamaan siya sa kanang sentido, na dagli niyang ikinamatay. (Talababa ng makata, mula sa orihinal na Ingles.)  
The Legacy
Dangula: yakal. Si Gabriel Danid ay isa sa matatandang lubos na iginagalang sa Daan Norte, Tapaz, Capiz. Nang unang durnating ang BHB sa kanilang baryo, nanghihina na siya sa sakit na tuberkulosis sa pulmonya. Tulad ng karamihan ng mamamayang naninirahan sa bundok, siya ay mabait, magalang at may angking matalas na pag-iisip, gaano man kapayak. Ang huling katangiang ito ang naglapit sa kanya sa kilusang rebolusyonaryo, tulad ng metal sa magnet. Konsistent at matatag ang kanyang paninindigan tungkol sa kilusan. Aktibong lumahok siya sa kilusang masa, una'y bilang kalihim ng komiteng tagapag-organisa sa baryo at kalauna'y bilang tagapangulo ng grupong tagapag-organisa sa magsasaka. Kaya nga't malaki ang kanyang naging papel sa pagbabago sa buhay-pampulitika ng baryo. Dahil ang Daan Norte ay pinakasentrong baryo sa Tapaz, ito ay nagsilbing pugad ng mga lokal na burukrata sa kanilang panlilinlang tuwing may miting de avance. Dahil kay Antay Gabe at maraming tulad niya, ang Daan Norte at mga kanugnog ay malalayang lugar ngayon para sa tuluy-tuloy na rebolusyonaryong pagkilos. Hindi naging sagabal ang kanyang kahinaang pisikal para gampanan ang mga tungkulin, kahit sa pinakamahihirap na sitwasyon. Minsan, isang iskwad ng PC ang dumating sa sentro at inisa-isang tanungin ang mga tao. Pag-abot sa kanya, nagkunwang nahihilo siya at sinasal ng ubo, kayat hindi siya minaltrato at noon di'y pinauwi. Paglayo niya, sumakay siya sa kalabaw at mabilis na winarningan ang mga tao sa kabilang baryo tungkol sa pagdating ng mga sundalong PC. Ang kanyang pamilin-bilin nang siya'y pumanaw noong Setyembre 1979 ay nagpalipat-lipat sa sonang gerilya kahit bago pa man matapos isulat ang tulang ito, na ang inspirasyon ay ang pamilin-bilin. (Talababa ng makata, mula sa orihinal na Ingles.)  
Eastward the Winds of Song
Sa mga unang taon ng dekada 70 habang itinataguyod ng Bagong Hukbong Bayan ang pakikidigmang gerilya sa panimulang yugto, pumusisyon ito sa mga lugar sa kabundukan na nagsilbing panimulang base ng operasyon nito. Ang mga lugar na ito ay nagsilbing paaralan, santuaryo, at sa pinakamahihirap na taon ay nagsilbing bantayog ng mga kasamang martir. Kinalaunan, sa pangkalahatang pag unlad ng rebolusyonaryong gawain, kinailangang paglangkapin ang gawain sa mga lugar sa bundok at gawain sa patag. Sa ganito lumabas ang pangangailangang magpalawak sa mga bago at napakaraming baryo at bayan. Ano ang nararamdaman ng isang Pulang mandirigma habang bumababa patungong patag, matapos ang napakahabang panahon ng pag-aaruga, pagbuhay at pagpanday sa kanya ng kabundukan? Sinikap na sagutin sa tula ang tanong. (Talababa ng makata, mula sa orihinal na Ingles.)

  Jason Montana
Coming In
Innoh: Sa Ifugao, katawagan ng paggiliw, pagmamahal.  
Turning Point
Bugan, Wigan: Sa kwentong-bayan sa Cordillera, si Bugan ang Eba at si Wigan ang Adan. Payao: hagdan-hagdang palayan. Oban: Isang mahaba't matibay na kayo na isinasakbat sa balikat para paglagyan ng sanggol, sa harap o sa likod.  
Ifugao Revisited
Kabunian: Sa katutubong relihiyon ng Cordillera, ang pinakadios sa lahat ng dios. Tabu: Pagbabawal. Sa Ifugao, ipinagbabawal ang pagkain ng palaka, suso, isda o larva mula sa palayan dalawang buwan bago mag anihan sa Hunyo. Sa katunayan, ang pagbabawal na ito ay nakabubuti para maparami ang maihahanda sa panahon ng anihan at sa pagdaraos ng ritwal para sa "bagong apoy" na pinagpala ng mga pari ng tribu.  
Clearing
Abung: Sa Cordillera, kubong may isang kwarto na tinatahanan ng maralitang magsasaka, gawa sa kawayan o tambo. Kaiba ito sa bale, isang regular na bahay na gawa sa kahoy.  
Twilight Ritual
Datoc: Sa Ifugao, isang malalim na mangkok na gawang kahoy, karaniwang gamit sa kusina.   (Ang talasalitaan sa itaas ay salin ng Glossary sa Clearing ni Jason Montana (Philippines: ARMAS/CNL/NDF, 1987).

  Kris Monta�ez  
Bakir
  Bakir: (Iloko) Gubat.  
Pagbubuksan Ka ng Pinto
Abung-abung: Abung, bahay ng maralitang magsasaka. Agamang: Bahay-imbakan ng palay. Gimata: Dalawang malalaking bakol na nakatali sa magkabilang dulo ng pingga.  
Dave
PSR: Philippine Society and Revolution ni Amado Guerrero.  
Igang
  Igang: Apog, limestone. Kararuton: Kamoteng-kahoy. Bisol: Lamang-ugat ng ligaw na gabi. Hagunoy: Talahib na ang katas ay pampaampat sa dugo ng sugat. Dalawidaw; Maliit at kulay-itim na ibong may mapulang dibdib. Ang kanta nito'y binubuo ng limang sunud-sunod na sipol na may iba-ibang taas, at may pahuling magkakahalong tono.

  Emin Pe�a
Old Man
"Ti balligiyo ket balligimi": "Ang inyong lakas ay amin ding lakas. "Mangnamnamakami kadakayo nga armadomi": "Inaalala namin ang inyong kagalingan, kayong mandirigma namin."  
Hiraya
Hiraya: (Itawet) Timog.  
Mukag
Israel, Cesar: Pusakal na pinuno ng CHDF sa lugar. Labting: Isang matatag na baryo sa Cagayan.  
Kumusta da Ka Desto?
"Idiay banda ti Sierra Made idi 1977": "Doon sa may bandang Sierra Madre, noong 1977." "Nabayagen a ditay nadidinna marten, kakadua! Mailiwkam kadakayo!": "Matagal nang hindi tayo nagkikita, mga kasama! Nasasabik kami sa inyo! "      

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.