Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglish
Read full statement   

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Punitin ang National ID System - Ka Roger
Oktubre 24, 2002

"Tulad ng pagpunit nila Andres Bonifacio sa mapanupil na sedula, sama-sama nating punitin ang mapanupil at mapaniil na National ID System." Ganito ang ginawang deklarasyon ni Gregorio "Ka Roger" Rosal sa isang pahayag na inilabas sa midya ngayong araw.

Inihambing ni Ka Roger ang balak na National ID sa sedula noong panahon ng kolonyalismong Espanya. Ani Ka Roger, "Sa kamay ng isang burukratiko-militar na gubyerno tulad ng kay Macapagal-Arroyo, gagamitin ang National ID System katulad ng paggamit sa sedula ng mga Guardia Sibil noong panahon ng kolonyalismong Espanya-bilang instrumento upang kontrolin ng estado ang bawat kilos ng lahat ng mamamayan".

Ayon kay Ka Roger, "gagamitin lamang ang National ID System laban sa mamamayan, laluna sa pagsupil ng lehitimong mga hinaing at pakikibaka."

Iginiit niya na "pinakulo" lamang ng Malakanyang at AFP ang mga pambobomba sa Metro Manila at Zamboanga "upang makakuha ng suporta para sa National ID System at iba pang mapaniil na patakaran ng di deklaradong state of emergency na pinaiiral ngayon ni Macapagal-Arroyo."

"Malaking panloloko ang sinabi ni Roilo Golez na gagawing boluntaryo ang National ID System. Dahil gagawin itong rekisito sa mga transaksyon sa gubyerno at mga bangko, kung tutuusi'y maoobliga ang lahat na kumuha nitong National ID," sabi pa ni Ka Roger.###



Reference:
Anne Buenaventura
Media Officer
Cellphone Number: +63910-240-3553



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.