Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
Read full statement   

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

News Release
Marso 29, 2003

Ayon sa pahayag ni Kasamang Jose Buenaobra para sa ika-34 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng NPA, ipinapaabot ang maalab na pagbati at pagpupugay sa lahat ng pulang kumander at mandirigma.

Binabati ng Romulo Jallores Command ang mamamayang Bikolano na walang kapagurang tumutulong at nagkakalinga sa NPA at mahigpit na katuwang sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan. Binibigyan din ng pinakamataas na pagpapahalaga ang mga martir ng sambayanan na nag-alay ng buhay sa pakikibaka upang ipagtanggol ang interes ng mamamayan.

Mahigit tatlong dekada na mula ng maitayo ang unang yunit ng NPA sa Bikol noong Marso 1971.

Sa mga taong 1997-2002, papasulong ang naging tunguhin ng buong rebolusyonaryong kilusan. Napakapaborable ng sitwasyon para sa pagrerebolusyon. Desidido ang mamamayan sa rebolusyonaryong pagbabago. Inaasahang higit na lalawak, uunlad at maitataas ang antas ng rebolusyonaryong pakikibaka sa mga susunod na taon.

Sa kasalukuyan, nakalatag ang mga yunit ng NPA sa mga larangang gerilya sa lahat ng probinsya ng rehiyon. Nakamit ang halos dalawang dobleng paglaki ng baseng masa. Nabalikan na ang mga lugar na pansamantalang naiwan, nakapagbukas at nakapagpaunlad ng mga bagong larangang gerilya. Ang mga nakumpiskang armas at kagamitang militar mula sa mga taktikal na opensiba ay dagdag na lakas sa arsenal ng NPA.

Kinukundena din ng RJC ang karahasan at mga pang-aabuso na inihahasik ng 9th Brigade Separate ng Philippine Army sa mamamayang Bikolano.

"Labanan at biguin ang Oplan Bantay Laya ng pasistang rehimeng Macapagal-Arroyo. Makipagkaisa tayo sa mga pwersang progresibo at rebolusyonaryo sa mga pakikibakang antipasista, antipyudal at anti-imperyalista."

"Labanan natin ang "Balikatan exercises", ang napipintong tuwirang agresyon ng US sa Pilipinas at ang "total war" na ipinatutupad ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo," panawagan ng RJC.

Kinukundena ng CPP-NPA-NDF ang pagsuporta ng papet na rehimeng Macapagal-Arroyo sa teroristang agresyong militar ng US sa Iraq at sa iba pang bayan sa daigdig. Agad nating lalabanan ang anumang hakbang ng direktang interbensyon ng imperyalismong US sa ating bayan, panapos ni Kasamang Jose.###

Reference:






Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.