Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglish
Read full statement   

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Pagpatay sa 4 na aktibista sa Compostela Valley nagtuturo sa kabataan na sumapi sa NPA — PKP
Setyembre 29, 2003

Sinabi ngayon ng Communist Party of the Philippines na ang pagsalbeyds sa apat na kabataang aktibista sa Compostela Valley noong isang linggo ay hindi pakikinabangan at bagkus ay ikasisira pa ng gubyernong Arroyo, dahil itinuturo nito sa kabataan ang pangangailangang sumapi sa NPA.

Sa isang pahayag, sinabi ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng CPP, na nagpupuyos ang kanyang galit dahil sa pagpatay noong Setyembre 22 kina Lito Doydoy, Marjorie Reynoso, Jonathan Benaro and Ramon Regase. Ang apat na biktima — na mga kabataang aktibista at kasapi ng Anakbayan, Anak ng Bayan Youth Party at ng Sangguniang Kabataan — ay natagpuang nakalibing sa mababaw na hukay sa Maco, Compostela Valley kinabukasan pagkatapos silang dukutin ng armadong kalalakihang pinamunuan ng isang asset ng MIG. Tadtad ng saksak, mga bala ng baril at may mga marka ng tortyur ang kanilang mga katawan.

Ayon kay Rosal, pinagbubuntunan ng galit ng rehimeng Arroyo ang kabataang maramihang sumasapi sa NPA. Ngunit babalikan din ang gubyernong Arroyo ng taktikang ito, ani Rosal, dahil parami nang paraming kabataan ang sumasapi sa rebolusyonaryong kilusan at NPA sa mga lugar kung saan nagdulot ng grabeng militarisasyon ang teroristang all-out war ng rehimen.

"Habang lalong gumagamit ang militar ng pasismo sa pagsisikap na kontrolin ang kanayunan, lalo namang nawawala ang reaksyunaryong kapangyarihan sa puso at diwa ng mamamayan. Habang lalong humahaba ang listahan ng mga biktima ng harasment, iligal na pag-aresto at detensyon, mga pagpatay, pagtortyur, pagmasaker at iba pang pasistang pang-aabuso, lalo namang sumisidhi ang pagnanais ng mamamayang lumaban," ani Rosal.

Ayon kay Rosal, tanging ang rebolusyonaryong kilusan ang nagbibigay ng pag-asa sa kabataang Pilipino na magkaroon ng isang masagana, maunlad, makatarungan at malayang kinabukasan. Pinuri niya ang mga kabataang Pulang mandirigma, na bumubuo sa mayorya ng gerilyang hukbo, dahil ang bagong dugong dala nilang, aniya, ang pinagmumulan ng walang-katapusang kasiglahan ng NPA. ###

Reference:
Anne Buenaventura
Media Officer
Cellphone Number: +63910-240-3553



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.