|
PRESS RELEASE Information Bureau Communist Party of the Philippines
Ka Roger: "Assassination plot is a big Malacanang lie"
June 17, 2004
CPP spokesman, Gregorio "Ka Roger" Rosal, released the following statement to belie the claim yesterday by Malacanang's National Security Adviser and the Philippine National Police that the New People's Army is plotting to assassinate opposition candidate Fernando Poe Jr.
Nais kong pabulaanan ang sinasabi ni NSA Norberto Gonzales at PNP Chief Ebdane tungkol sa diumano'y planong asasinasyon ng BHB laban kay FPJ. Isa itong malaking kasinungalingan at gawa-gawang kwento ng mga propagandista ng Malakanyang at PNP. Walang ganitong plano ang BHB.
Ang ganitong mga bali-balita at kaduda-dudang intelligence report ay nagpapaalala sa atin sa mga estilo noon ni Marcos na ibunton sa rebolusyonaryong kilusan ang sisi sa mga kriminal nitong pakana.
Matamang inoobserbahan namin ang takbo ng reaksyunaryong eleksyon at pagbibilang ng boto sa pangulo at pangalawang pangulo. Nakikinikinita naming ang kasalukuyang masidhing tunggalian ng mga reaksyunaryo ay hahantong pa sa mas maigting na banggaan sa mga susunod na linggo, at maging pagkatapos ng proklamasyon, maituloy man ito o hindi sa Hunyo 30.
Sa isang panig, kapit-bayawak si Arroyo sa poder. Sa kabilang panig, desperado ang mga reaksyunaryong oposisyon na agawin ang kapangyarihan sa pamamagitan man ng eleksyon o sa labas nito.
Ang ipinakikitang kabulukan ng mga reaksyunaryong pulitiko na nais lamang pangalagaan ang kani-kanilang makikitid na interes ay nagdidiin sa pangangailangang maglunsad ng rebolusyonaryong pakikibaka upang wakasan ang naghaharing bulok na sistema.
Gregorio "Ka Roger" Rosal Tagapagsalita, Partido Komunista ng Pilipinas
Reference:
Anne Buenaventura Media Officer Cellphone Number: +63910-240-3553
Back to top
|
|
|
|