Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglish
   

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Binigo ng AFP ang pagpapalaya sa mga POW ng NPA
Agosto 8, 2004

Palalayain na sana ng New People's Army nitong nakaraang linggo ang dalawa nitong mga bihag ng digma (prisoners of war) na pinipigil ng Romulo Jallores Command ng NPA sa rehiyong Bikol, alinsunod sa kasunduang naabot sa pagitan ng gubyerno (GRP) at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Gayunman, inihayag ng tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas na si Gregorio "Ka Roger" Rosal na walang napamiliian ang NPA kundi ikansela ang pagpapalaya nang may panghihinayang, sapagkat ang AFP ay buong katigasan ng ulo na tumangging pansamantalang itigil ang mga operasyong militar na labag sa standard operating procedures at sa kasunduan ng GRP-NDFP kaugnay ng pagpapalaya ng mga bihag.

Sina Lt. Ronaldo Fidelino at PFC Ronnel Nemeno ay hinahawakan bilang mga POW sa loob "ng nakaraang limang buwan na ngayon. Ang dalawa ay sumuko sa NPA sa isang armadong sagupaan noong nakaraang Marso 1 sa Tinambac, Camarines Sur.

"Ayaw ng militar na makita ng publiko ang maayos at ligtas na pagpapalaya ng NPA sa mga POW at sa halip ipinipilit pa rin nila ang kanilang rescue operations para makapagpasiklab kahit pa patuloy naman silang nabibigo," ani Rosal. "Dagdag pa, hindi nito gustong mapatunayan ng NPA sa praktika na ito ay isang may prinsipyo, makatao at disiplinadong rebolusyonaryong hukbo, kabalintunaan ng 'taguring terorista' ng gubyerno ng US at Pilipinas."

Inulit ni Rosal na ang pagmamatigas ng AFP ay nagpatunayang walang anumang mabuting ibinubunga. "Ang pagtanggi ng AFP na magpatupad ng suspension of offensive military and police operations (SOMO/SOPO) ang dumiskaril sa balak na pagpapalaya nitong nakaraang linggo sa mga POW." Sinabi ni Rosal na ang SOMO/SOPO ay standard operating procedure sa mga pagpapalaya ng mga POW at di maihihiwalay na bahagi nito. "Matatapos na sana ang limang buwang paghihintay ng pamilya at mga mahal sa buhay nina Fidelino at Nemeno."

Naobserbahan ni Rosal na halata namang , ang gubyerno ay talagang hindi epektibo at sadyang inutil para pasunurin ang sarili nitong hukbong sandatahan sa mga komitment at utos nito. "Pero sumusunod naman kuno sila sa civilian authority," patudyang sagot ni Rosal, gamit ang paulit-ulit na tinuturan ng mga opisyal ng AFP at tagapagsalita nito.

Sinabi ni Rosal na ang PKP-BHB gayunman ay umaasa na ang gubyernong Arroyo ay makagagawa ng paraan para mapasunod ang AFP sa mga komitment at utos ng ipinagpapalagay na mas mataas na political authority at tumalima sa mga kailangang procedure at iba pang pagsasaayos para sa pagpapalaya ng mga POW na pinaghirapan ng mga negosyador ng gubyerno at NDF na pag-usapan bago napagkasunduan."



Reference:
Anne Buenaventura
Media Officer
Cellphone Number: +63910-240-3553



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.