Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  

Luyo-luyo (tulungan)

(Read English Translation here)

May kalayuan ang lugar na pagdarausan ng luyo-luyo, sa init ng araw ay kinakailangan naming saglit na magpahinga.

Mula sa pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng BHB, aming nakilala si Ka Tomas, namumuno sa grupo ng masang magsasaka. Aniya, ang rebolusyon ay isang ilog kung saan magsasalubong at magkaisang aagos ang hukbo at ang masa. Hindi daw maaaring hukbo lamang.

Kinabukasa'y pumunta kami sa isang ladyaw, lupaing bunga ng matagumpay na pagpapatupad ng rebolusyonaryong agraryo at pinangangasiwaan ng lokal na sangay ng Partido. Doon magsasagawa ang samahan ng mga magsasaka, kabilang si Ka Tomas, ng isang luyo-luyo, o tulungan.

Ang "luyo-luyo" ay isang simpleng anyo ng kolektibong paggawa ng mga magsasaka na matatagpuan sa Bicol. Ang ganitong mga pagtutulungan ng mga magsasaka sa produksyon ay hinihikayat at puspusang sinusuportahan ng BHB.

Nang abutan namin ang mga magsasaka'y patapos na silang magkape pagkakumpleto ng unang yugto ng kanilang trabaho.

Dahil antimano'y naikonsulta na ni Ka Tomas, agad na kinilala ng kanyang mga kasamang magsasaka ang aming pakay na kunan ng larawan ang kanilang paggawa.

Di nagtagal, dala ang mga itak at ilang palakol, nagtuloy na sila sa pagtatrabaho.

Sama-sama nilang hahawanin ang kasukalan,

pipirasuhin ang mga punungkahoy upang magsilbing panggatong, at kapag natuyo'y babalik upang sunugin ang mga nalalabing halaman.

Bago dumating ang oras ng tanghalian, muling nagpahinga ang mga magsasaka, siniyasat ang lugar at nasiyahan sa resulta ng kanilang ginawa.

Samantala'y nakakuwentuhan namin si Ka Tomas.

Nabibigkis din nito ang mga magsasaka at napapalakas ang kapangyarihang pampulitika tungo sa unti-unting pagwasak sa kanilang mga tanikala.

Pinaliwanag niya ang halaga ng sama-samang pagkilos. Malaki ang naitutulong nito upang maging mas maunlad ang produksyon.

Sa buong panahong kaulayaw ang mga magsasaka, nanatiling alerto ang mga kasama sa anumang posibleng banta ng kaaway.

May pagkakataong pinasyang linisin ng isang kasama nang mabilis ang kanyang 45.

Di napigilan ng kasama ang mangiti nang biglang maglagay si Ka Tomas ng palamuti para mas maganda daw lalabas ang larawan.

Sa di kalayuang lupain, ipinakita ng mga magsasaka ang pakay nilang isunod na hakbang matapos mahawan ang lupa. Dito'y halos napalambot na nila ang kalakhan ng lupa.

Malapit sa isang sapa'y nagsalok sila ng tubig

upang lagyan ng pestisidyo ang mga binhi na nakatanim na sa pinakamalalambot na parsela ng lupa.

Kabilang dito ang malulusog na mga petsay.

Maging ang nag-iisang tanim na ampalaya, kahit tila ligaw, ay sama-sama pa rin nilang inaalagaan.

Nang nakabalik sa aming tinitigilan, may baon kaming imbitasyon mula kina Ka Tomas na bisitahin silang muli upang saksihan ang mas aktibong luyo-luyo sa panahon ng pagtatanim ng palay.

< Unang Pahina < Selebrasyon ng ika-36 anibersaryo ng PKP

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.