PRWC Publications References Organizations Features Multimedia Utilities

Selebrasyon


36 larawan sa pagdiriwang ng ika-36 anibersaryo ng PKP sa sonang gerilya ng Quezon


Umalingawngaw ang mga talumpati, awit at ahitasyon sa maghapong pagdiriwang ng ika-36 na anibersaryo ng Partido sa Quezon. Hindi alintana ng masa at mga kasama ang ulan at putik sa damuhan upang maidaos ang taunang selebrasyon.

Humigit-kumulang 1,200 masa, alyado at kaibigan ng rebolusyon ang nagsidalo mula sa iba't ibang sektor sa kanayunan at kalunsuran.

Nilaman ng mga awitin, talumpati at ahitasyon ang panawagang ibagsak ang rehimeng Gloria Macapagal-Arroyo, ang mga tagumpay ng Partido at Bagong Hukbong Bayan, ang krisis na kinasasadlakan ng mamamayang Pilipino at ang panawagang paigtingin ang digmang bayan.


Abala.
Apat na kasamang abala sa paggawa ng karit at masong yari sa baging at kawayan para sa pagdiriwang ng ika-36 na anibersaryo ng Partido.







Panggatong.
Bisperas ng selebrasyon, abala ang mga kasama at masa sa kusina. Kahit umuulan, hindi naging mahirap ang panggatong. Katulong si kaibigang kalabaw sa paghahakot ng mga bao mula sa lukaran, naging mabilis at organisado ang pagluluto para sa humigit-kumulang 1,200 kataong nagsidalo sa selebrasyon.



Mural.
Uubra na kahit nakalatag lamang sa mamasa-masang damuhan ang paggawa ng mural na nagpapakita ng sining ng paglaban at napapanahong panawagan ng rebolusyonaryong kilusan.

Bulwagan.
Wala mang itinayong entablado, ito ang nagsilbing bulwagan para sa mga pagtatanghal ng mga kasama. Halos pasado alas otso na ng umaga ng araw ng selebrasyon ito nakumpleto.




Tema. Nakahanda ang Partido at Bagong Hukbong Bayan na biguin ang pagtatangka ng mga naghaharing uring wasakin ang nahinang na pagkakaisa ng rebolusyonaryong kilusan at masa sa Timog Katagalugan.








Palaro.
Bago nagsimula ang pormal na programa, binigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapaglaro… isang larong matingkad ang mensaheng pampulitika.






Uniporme.
Kapansin-pansin sa mga kasama sa BHB na nagtanghal sa selebrasyon ang pagsusuot ng itim na kamisa tsino na may tatak ng pangalan ng kumand ng prubinsya.




Patag na nyugan. Nagsimulang dumagsa ang mga kasama't masa sa patag na bahagi ng isang nyugan. Wumagayway ang mga bandilang Pula at umalingawngaw ang kanilang mga talumpati, awit at ahitasyon.




Sulong!
Unang bilang pa lamang ng kulturang pagtatanghal,
magiting nang ipinakita ng tatlong kasama sa BHB ang kanilang galing.



Kumbinasyon. Habang may nagsasalitang kasama mula sa hanay ng panggitnang pwersa, pansamantalang nakapahinga ang songbuk at gitara. Hindi lamang 20 ulit na hinawakan at ginamit ito ng mga kasama sa buong panahon ng programa.




Kahit sila'y mga bata.
Dinadramatisa ng mga batang ito sa isang ispesyal na bilang ang buhay ng isang rebolusyonaryong pamilya-isang pamilyang binubuo ng mga rebolusyonaryo na gumagampan ng kani-kanilang mga tungkulin bilang ama, ina, kapatid at anak habang nakikipagrebolusyon.

Lobo.
Kinagiliwan ng mga batang nagsipagdalo ang mga lobong ipinamigay ng mga Pulang mandirigma.




Pasismo.
Itinanghal ng mga kabataang ito ang kalupitan ng militar at mga para-militar na grupo sa kanayunan.








Bulok na estado.
Papet, korap at pasista ang rehimeng Gloria Macapagal-Arroyo na siyang kasalukuyang nakaupo sa poder ng estado. Dudurugin ito ng armadong lakas ng nagkakaisang mamamayan upang itayo ang isang estadong tunay na kakatawan sa sambayanan.

Karit at Maso.
Gawa sa baging at kawayan, pumailanglang ang eskulturang ito nang may taas na sampung talampakan.

Umbok sa lupa.
Mock-up sa lupa ng karit at maso. Humigit-kumulang 16 metro kwadrado na mistulang sementadong lilok.







Dugay.
Habang naghihintay para sa kanilang presentasyon sa programa, tila naiinip na ang isang kasama. Buong kaseryosohan niyang pinanonood ang nagtatanghal habang abala ang iba pang kasama para sa last minute briefing sa kanilang pagtatanghal.





Makapanood lamang.
Kahit sa ilalim lamang
ng mesa, kuntento ang dalawang kasamang ito sa paghihintay ng pagsisimula muli ng palabas na inabala ng malakas na ulan.



Kumpletos rekados.
Sa saliw ng kantang "Tambang", iprinesenta ng mga kasama ang paglulunsad ng isang taktikal na opensiba. Pinaghandaan nila ito nang buong husay. Kahit malamig ang panahon, pinawisan sila hindi dahil sa haba ng kanilang mga maniobra, kundi dahil sa init na dulot ng kanilang kamoplahe.




Ilang taon na lamang.
Matamang nanonood ang isang bata sa palabas. Sa ganda ng mga talumpati at palabas ng mga kasama, gusto na sana niyang sumapi sa Bagong Hukbong Bayan.











Pana at ngangā.
Habang naghihintay ng tawag ng emcee para sa kanilang bilang, bitbit na ni Ka Steve, isang Mangyan, ang kanyang pana at kanyang munting lalagyan ng ngangā (mamâ).



Dagsa.
Mula umaga hanggang halos magtapos ang programa, patuloy ang pagdating ng masa upang dumalo sa selebrasyon ng ika-36 na anibersaryo ng muling pagkakatatag ng Partido. Magiliw na sinasalubong ng kasama ang mga dumarating.

Banderitas.
Tuwing ipinagdiriwang ang anibersaryo ng Partido at BHB man, naggagawad ng pinakamataas na papuri ang rebolusyonaryong kilusan sa mga martir ng rebolusyon. Nagtitirik ang masa ng mga banderitas na may nakasulat na pangalan ng mga kasamang naging martir sa mock-up na inihanda para rito.



Saligang alyansa.
Manggagawa at magsasaka… magkaalyadong uri at may saligang alyansa.




Makibaka! Huwag Matakot! Ipinakita ng grupong Balikwas, kultural na grupo ng rebolusyonaryong magbubukid, na ang rebolusyonaryong armadong paglaban ng mamamayan ang tanging solusyon upang bigyang-wakas ang malakolonyal at malapyudal na sistema ng lipunang Pilipino.







Panawagan. Susing sangkap sa tagumpay ng rebolusyon ang rebolusyong agraryo. Isa ang Quezon sa pinakamalaking prodyuser ng kopra sa bansa. Marami na ang naipagtagumpay na laban ng magsasaka kaugnay sa resikada at tuluy-tuloy pa itong isinusulong kasabay ng iba pang kampanya sa minimum na programa ng rebolusyong agraryo.













Pagtukoy ng target. Wala sila sa pagsasanay, ipinakikita nila sa isang madulang presentasyon ang pagkatalo ng kaaway sa mga taktikal na opensiba ng BHB.

Ngitngit sa kaaway. Pagdramtisa sa pagpupuyos ng masa sa sindikato ng mga mangangalabaw. Laganap ang sindikatong ito sa Quezon at halos sa buong Timog Katagalugan. Subalit dahil sa presensya ng Bagong Hukbong Bayan, napapahina ang lakas nito.

Isparo. Sa saliw ng "Taktikal na Opensiba", ipinakita ng apat na mga kasama ang pagtambang sa kaaway sa isang operasyong isparo.



Ahitasyon.
Mariing tinukoy ng tagapagsalita mula sa hanay ng panggitnang pwersa: "Hindi lalakas ang kilusang masa sa kalunsuran, kung walang malakas na armadong pakikibaka sa kanayunan!"

Punuan ang kulang.
Mula umpisa hanggang katapusan ng programa, matatag na nakatayo ang mural upang lalong bigyang-kulay ang entablado para sa selebrasyon kahit may ilang letra nang nabura dahil sa malakas na ulan.




Pambansang dahon.
Umula't umaraw, nagsisilbing pandong ng mga kasama at masa ang anahaw na laganap pa sa Timog Quezon. Tulad ng mga kasamang nasa larawan, pananggalang ito sa ulan upang makapanood ng pagdiriwang.

Pag-iingat.
Bukod sa pangangalaga sa kalusugan, iniingatan ng mga kasama ang kanilang mga sandata upang sa tamang pagkakataon ay magamit sa paggapi sa kaaway.




Sigaw ng pambansang minorya.
Ang panawagan ng mga Mangyan at iba pang pambansang minorya para sa karapatan sa lupang ninuno ay nakabalangkas sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyon ng bayan at sa programa para sa rebolusyonaryong reporma sa lupa.




Kabataang estudyante. Dalawang kabataan na kumatawan sa mga nakapag-aral na kabataan ang kumanta ng "Gumising Ka Kabataan" bilang pagkumpirma sa kanilang matibay na komitment na umanib sa BHB at lumahok sa armadong pakikibaka.




Masa. Mula sa iba't ibang bayan at baryo sa Quezon, muling pinatunayan ng masa ang kanilang mahigpit na pakikipagkaisa sa Partido at BHB sa pamamagitan ng pagdalo sa selebrasyon ng anibersaryo ng Partido. Makikita sa larawan ang bahagi ng masang matamang nanonood ng palabas ng mga kasama.



Unang Pahina > Sunod na Pahina > Sa Bikol, Silangang Kabisayaan at Timog Katagalugan > An NPA anniversary celebration in a camp in Southern Tagalog > Some photos of Red fighters in Mindanao > Anibersaryo sa sonang gerilya > Luyu-luyo >
The Philippine Revolution Web Central is maintained by the CPP Information Bureau.