Kaupod (comrade)

View slideshow

Sandmap

hinahanda ang lupa sinusukat ang mga hangganan; tinatakda ang gitna grid; mga simpleng kasangkapan

Ang sandmap ay isang mapa sa lupa na nagpapakita ng pisikal na hitsura ng isang lugar. Gamit ang simpleng mga materyales, binubuo ito sa binakurang isang tipak ng lupa. Hinahati-hati ito sa isang grid upang maipwesto ang iba't ibang elemento ng lugar: mga bundok, ilog, kapatagan, at iba pa.

kumpletong grid; hugis ng tereyn; mga bandila bilang palatandaan ng mga baryo

Malaking tulong ang naibibigay ng "sandmap" tungo sa pagpapakahusay ng mga kasama sa pagkilala sa tereyn ng kanilang kinikilusang erya, pag-uugnay ng mga impormasyon tungkol sa kilos at kinaroroonan ng kaaway, pagplano sa pagkilos ng mga pinalaking yunit ng hukbo, at marami pang iba.

Target Practice

Regular na nagta-target praktis ang mga kasama. Isa ito sa mga paraan nilang mapataas ang antas ng pakikidigma. Mas nagiging epektibo ang kanilang mga operasyong isnayp at mas natitiyak ang pagpuntirya sa kaaway.

Sa pag-eensayo, inilalagay ng katuwang na kasama ang "target" sa alinmang lugar sa target board. Mula sa nakapirmeng riple, ididirihe ng pumupuntiryang kasama kung saan ipupuwesto ng kanyang katuwang ang target. Ang layunin ay maihanay o maisentro niya ang sinisipat na target sa front at rear sight ng riple. Sesenyas siya kapag sentro na niya ang target at angkop na mamarkahan ng kanyang katuwang sa papel na nakakabit sa target board. Ilang ulit niya itong gagawin at susuriin ang agwat ng mga nakamarka sa papel.

Command Detonated Explosives

Ang "command detonated explosives" ay mga eksplosibong sumasabog lamang kapag pinihit ng magpapasabog ang switch ng detonator nito. Tinatalakay ng mga Pulang mandirigma ang pagkakaiba nito sa mga eksplosibong iniiwan at sumasabog oras na maapakan, na ipinagbabawal na gamitin ng BHB. Sa pag-aaral na ito, ipinakikita ang iba't ibang elemento para mabuo ang eksplosibo tulad ng blasting cap, detonator at iba pa.

Back to specials
View slideshow
Panayam, sabayang bigkas, sining pagguhit
Pang araw-araw, red alert, mga gunita

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the CPP Information Bureau.