# PRWC - Taktikal na opensiba ng NPA Parusa sa berdugong 50th IB
Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Archives Releases Archives Primers Interviews

Taktikal na opensiba ng NPA Parusa sa berdugong 50th IB

Ka Armando Silva
Tagapagsalita
Alfredo Cesar Command
New People’s Army-Ilocos Sur
14 June 2005


Isang matagumpay na taktikal na opensiba ang isinakatuparan ng isang yunit ng Alfredo Cesar Command (NPA-Ilocos Sur) noong ika-4 ng hapon ng Hunyo 13, 2005 ng ambusin nito ang mga elemento ng C Coy 50th IB PA sa Sitio Bessang, Barangay Malaya, Cervantes, Ilocos Sur.

Ang labanan ay umabot ng 45 minutos na nagresulta sa pagkasawi ng 9 na sundalo ng 50th IB at pagkasugat ng 3 pa. Kabilang sa nasugatan ang CO ng yunit ng kaaway na si Lt. Lattay. Nasamsam din ang pitong M16.

Ang mga pasistang sundalo ay nakasakay sa isang 6 x 6 na trak militar at nagtungo sa erya upang nagsagawa daw ng clearing operation.

Nakumpirma ito ng isang yunit ng ACC na agarang nagplano ng isang taktikal na opensiba laban sa paunang puwersa ng kaaway. Masusing pinag-aralan ng mga pulang mandirigma ang tereyn at itinakda nila ang pinakamahusay na ambush site. Masigla na nakipagtulungan ang mamayan ng Cervantes at Quirino para sa pagkumpleto ng datos para sa TO na ito.

Ang taktikal na opensiba ay paggawad ng kaparusahan sa berdugong 50th IB dahil sa walang habas na paglabag nito sa karapatang pantao at lantarang pandarahas nito sa mamayan ng Quirino at Cervantes, Ilocos Sur at sa iba pang bahagi ng probinsya ng Ilocos Sur at Ilocos Norte. Tulad na lamang ng tangkang panggagahasa sa isang 14 taong estudyante sa Legleg, Quirino noong Abril at ang tuloy-tuloy na harassment sa mga masa sa iba’t ibang baryo ng Quirino. Mahaba na ang listahan ng pagabuso nila sa karapatang pantao (kapwa ng masa at NPA) at mga paglabag nila sa CARHRIHL.
Isang kahayupan ng 50th IB ay ang karumaldumal na pagsasalaula nito sa mga bangkay ng mga Pulang mandirigma na napapatay sa labanan. Tulad na lamang ng ginawa sa bangkay ni Randy “Ka Miko” Ramos noong Abril 26. Isang tama lamang ng bala sa kanyang kaliwang dibdib ang kumitil sa kanyang buhay. Pero nang makuha ng mga kaanak nito ang kanyang bangkay ay tadtad ng tama ng bala ang kanyang tiyan.

Ang mga mersenaryong tropa na ito ay nagsisilbi rin sa interes ng mga imperyalistang kumpanya ng mina na nagbabalak pumasok sa Quirino at iba pang bahagi ng Ilocos at Cordillera. Upang maihanda ang madaling pagpasok ng mga ito, ang 50th IB ay nagkakampo sa mismong sentro ng baryo tulad ng ginawa nila sa Lamag, Quirino. Nagsasagawa sila ng mga propaganda tungkol sa diumano’y kabutihang idudulot ng mga kumpanya ng mina. Sa isang pulong masa noong April 28, 2005 sinabi mismo ni Lt. Col Pasyon (CO ng 50th IB) na papasok ang mga kumpanya ng mina sa Quirino at dapat suportahan ito ng mga mamamayan ng lokalidad. Mariin itong tinutulan ng mga elders. Pinipilit pa nilang papirmahin ang mga mamamayan ng isang blankong papel bilang pagpapatibay ng kanilang pagpayag sa pagbubuwag ng kanilang organisasyon. Pero tinunggali ito ng mga mamamayan.

Ang matagumpay na taktikal na opesiba ay magsisilbing babala sa mga tropa ng berdugong AFP. Ang mga pandarahas sa mamamayang Pilipino ay mapagpasyang wawakasan sa pamamagitan ng pagpapaigting pa ng Digmang Bayan. #


Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.