Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Pamilyang Sanchez at Rubio, Biktima ng Masaker ng Pasistang Batalyong 16Th Ibpa sa Quezon!

April 24, 2006

Mahigpit na kinokondena ng Apolonio Mendoza Command (AMC), kasama ng lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa lalawigan ng Quezon ang karumal-dumal na pagmasaker sa pamilyang Sanchez at Rubio.

Bandang alas-2:00 ng madaling araw, ika-21 ng Abril, 2006, pinasok ng mga elemento ng Reengineered Special Operation Team (RSOT) ng 16th IBPA ang bahay ng pamilyang Sanchez at Rubio sa sityo Anibungan, Baranggay Magsikap, General Nakar, Quezon. Walang awa at karumal-dumal na binugbog hanggang sa pinatay ang magkapatid na sina Marilou Rubio Sanchez at Virgilio Rubio. Nakatakas lamang ang asawa ni Marilou na si Larry Sanchez, pambaryong lider ng Bayan Muna, sa proseso na sila ay binubugbog kung kaya nakaligtas ito sa tiyak na kamatayan. Hindi pa nasiyahan, ginilit pa nila ang leeg ni Virgilio Rubio.

Ito ang panibagong dagdag sa mahabang listahan ng mga biktima ng pagpatay at paglabag sa karapatang pantao ng pasistang batalyong 16th IBPA. Hindi pa nakakalimutan ng rebolusyonaryong pwersa at mamamayan ang pagpaslang sa Tagkawayan 8 noong Nobyembre 13, 1998, pagpugot sa ulo ng 65 taong gulang na matandang babaeng mangyan na si Budbud Usting sa Mansalay, Oriental Mindoro noong 2001 at pagmasaker sa pamilyang Blanco ng Magsaysay, Occidental Mindoro noong 2003. Ang magkapatid na Malou at Virgilio ang pang-132 na biktima ng pagpatay sa mga lider at myembro ng mga progresibong partylist sa Timog Katagalugan na magpahanggang ngayon ay walang nakakamit na katarungan sa ilalim ng rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo.

Kailangang pagbayarin ng mahal ang pasistang 16th IBPA. Higit sa lahat kailangang panagutin ang rehimeng Macapagal-Arroyo at ang mga pangunahing berdugo nitong sina Norberto Gonzales, Gen. Jovito Palparan, Gen. Pedro Cabuay Jr. at iba pang berdugo sa hanay nila. Sila ang pangunahing target ng sibat ng paglaban ng mamamayan.

Armadong rebolusyon ang titiyak na mabibigyan ng tunay na rebolusyonaryong hustisya ang pamilyang Sanchez at Rubio at ang iba pang mga biktima ng inhustisya ng kasalukuyang rehimen.

Inaatasan ang lahat ng yunit ng BHB sa ilalim ng Apolonio Mendoza Command (AMC) na ipagtanggol ang mamamayan at bigyan ng rebolusyonaryong hustisya ang pagmasaker sa pamilyang Sanchez at Rubio sa pamamagitan ng pagpapaigting ng paglulunsad ng mga taktikal na opensiba laban sa pasistang batalyon ng 16th IBPA at mga pasistang batalyon ng 2ID sa pamumuno ni Gen. Cabuay na nakakalat sa lalawigan ng Quezon.

Tinatawagan namin ang pamilya ng mga biktima at ang lahat ng handa na at may kakayanang lumaban at hindi bababa sa 18 taong gulang na humawak na ng armas at sumampa na sa Bagong Hukbong Bayan. Kailangan ding magkaisa ang mamamayan sa paglalantad at paglaban sa mga karumal-dumal na paglabag sa karapatang pantao. Sumama at higit na pagpursigihan ang kilusan para sa pagpapatalsik sa peke, pahirap at pasistang rehimeng Macapagal-Arroyo.

Ang landas ng pambansa-demokratikong rebolusyon na isinusulong ng Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at Pambansa Demokratikong Prente sa Pilipinas ang magtitiyak na makakamit ang tunay na rebolusyonaryong hustisya, kalayaan at demokrasya para sa lahat ng mga biktima ng inhustisya, pang-aapi at pagsasamantala.

Ka Armine De Guia
Spokesperson
Apolonio Mendoza Command


Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.