Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

16th IBPA: Pinakasagadsaring Mamamatay Taong Batalyon ng 2nd Infantry Division, Philippine Army!

April 25, 2006

Ang pinakahuling masaker sa pamilyang Sanchez at Rubio sa Brgy. Magsikap, bayan ng General Nakar, Quezon noong ika-21 ng Abril, 2006 ang siya lamang pinakahuling utang na dugo at dagdag na patunay sa pagiging berdugo ng pasistang batalyong 16th IBPA.

Inilabas ng Apolonio Mendoza Command ang ilan lamang sa mga nasinop na matitingkad na krimen ng 16th IBPA sa kanyang iba't-ibang destinasyon mula lamang taong 2001 hanggang 2005. Pangunahing layunin nitong taluntunin ang rekord ng 16th IBPA bilang makinang batalyon sa pamamaslang sa mamamayan at ilantad ang mga krimen nito. Kailangan ding malapatan ito ng angkop na rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan upang papagbayarin at mabigyan ng rebolusyonaryong hustisya ang kanilang mga biktima.

Ang mga naitala sa ibaba ay mga matitingkad na krimen lamang ng 16th IB at ng binuo nitong "death squad". Hindi pa kasama dito ang mga krimen noong nakadestino pa ito sa hangganan ng Quezon at Bicol bago pa ang taong 2001 at ang mga pang-aaresto, pambubugbog, pananakot at iba pang anyo ng paglabag sa karapatang pantao ng mga kagawad nito sa mamamayang Mindoreno.

  1. Oriental Mindoro (MOR)
      Ang 16th IB ay dumating sa MOR bago ang eleksyon ng 2001 at idineploy sa Timog bahagi ng MOR- mga bayan ng Roxas, Mansalay at Bulalacao. Nasa ilalim ito ng bagong buong 204th Bde sa ilalim ng berdugong si Gen. Jovito Palparan. Ito ang pangunahing yunit na ginamit ng 204th Bde upang ipatupad ang terorismo ng estado. Bandang 2002 ay may isang kumpanya na rin ng 16th IB ang itinalaga sa bahaging Norte ng Oriental (Baco, San Teodoro at Puerto Galera).

      Sa maikling panahong ito, ang sumusunod ang tala ng kanilang krimen laban sa mamamayan ng MOR:
    1. Pakling Basa � isang katutubo, pinatay ng mga elemento ng 16th IB sa So. Banti, Bgy. San Roque, Bulalacao, Hunyo 11, 2001, humigit-kumulang ika-8:00 ng gabi. Ang biktima ay tinamaan sa may pantog.
    2. Budbud Usting � isang katutubong babae, 65 taong gulang, So. Baet, Bgy Panaytayan, ay pinatay ng 16th IB at pinugutan ng ulo sa kanilang bahay noong Oktubre 5, 2001.
    3. Rolando Cabagay, taga Cagulong, Mansalay at kasapi ng Bayan Muna, ay binaril at napatay noong Oktubre 6, 2001 sa Mansalay, Oriental Mindoro.
    4. Bernard at Belly Montoya, mag-asawa ; si Bernard ay tumatayong coordinator ng Bayan Muna sa Bulalacao, ay pinagbabaril sa kanilang bahay sa Bgy. San Roque, Bulalacao noong Oktubre 7, 2001. Pareho silang malubhang nasugatan.
    5. Roger Fernando, Bgy. Capt, Bonbon, Mansalay, Oriental Mindoro- pinagbabaril at pinatay sa kanilang bahay at sa harap ng kanyang mag-iina noong madaling araw ng Oktubre 8, 2001 sa Bgy. Bonbon, Mansalay. Si Roger Fernando ang tumatayong Bayan Coordinator ng Timog Oriental Mindoro.
    6. Idelfonso Brucal, 65 taon gulang, magsasaka sa So. Arado, Brgy. Sta. Teresita, Mansalay. Marso 20, 2003 ay pinatay ng mga elemento ng 16th IB. Nagtamo din ng tama ng bala ang isang dalagang anak.
    7. Expedito Albarillo at Manuela Albarillo, mag-asawa, mga aktibong kasapi ng Bayan Muna; taga-Barangay Calsapa, Bayan ng San Teodoro, mag-asawa, ay pinaslang ng mga kagawad ng 16th IB sa pamumuno ni Lt. Dimapinto noong Abril 8, 2002.
    8. Osaias "Toto" Magarso, brgy Coordinator ng Bayan Muna sa San Mariano Roxas ay sinalbeyds ng mga kagawad ng 16th IB noong Mayo 10, 2002 sa Badyangan, San Mariano, Roxas, Oriental Mindoro kasama ang mga CAFGU ng San Vicente, Roxas sa pamumuno ni BoCap Rudy Sadiwa.
    9. Noong May 20, 2002 naman ay minasaker ng mga pinaghihinalaang kagawad ng 16th IB ang tatlo sa pamilya Apolinar sa Barangay Ilag, San Teodoro. Nasawi sina RUBEN APOLINAR, dating pulis; RODRIGA FLORIDA, isang guro at ang walong taong bata na si NINA ANGELA APOLINAR. Ang mag-asawang Apolinar ay mga aktibong miyembro at tagapag-ugnay ng Bayan Muna.
    10. Arthur Flores �60 taong gulang taga Bgy. Mangangan I, Baco, Oriental Mindoro, may-asawa at mga anak, dinukot at pinatay, 2002.
    11. Nemecio Mancel, pastor ng UCCP, dinukot ng mga elemento ng 16th IB sa San Teodoro noong Oktubre 18, 2002 at di na muling nakita.
    12. Ang mga sumusunod ay mga sibilyan at mga lider at aktibong kagawad ng mga People's organization. Sila ang pinagbuntunan ng galit ng militar matapos silang maambus ng mga NPA at masugatan si Col Palparan.
    13. Oscar "Oca" Sacdalan, pinatay ng mga elemento ng 16th IB sa harap ng kanyang pamilya sa Bgy. Tabinay Munti, Puerto Galera, MOR noong Nob 23, 2002.
    14. Vedasto Lalong-isip, taga Talipanan, Puerto Galera ay dinukot at pinatay ng mga elemento ng 16th IB noong 23 November 2002 sa Puerto Galera. Natagpuan ang kanyang bangkay sa Bgy. Villaflor ng nasabing bayan.
    15. Anthony Martinez, may asawa at mga anak, tubong Quezon at naninirahan sa Talipanan, Puerto Galera ay dinukot, pinatay at pinugutan ng ulo ng mga elemento ng 16th IB sa Talipanan noong Nob. 23, 2002.
    16. Efren Arguelles -may asawa at anak, taga Talipanan, Puerto Galera pinatay ng mga elemento ng 16th IB noong 24 November 2002.
    17. Jun Saducos, pinatay ng mga elemento ng 16th IB sa Puerto Galera noong November 2002.
    18. Sonny de Silva 10 December 2002 , San Teodoro, taga Villaflor, Puerta Galera.
    19. Francisco Rabano , dinukot mula sa kanyang bahay sa Villaflor, Puerto Galera, 22 March 2003, Puerto Galera
  2. Occidental Mindoro (MOC)
      Sa MOC mula nang Enero 2003 ay itinalaga na ang Charlie Company ng 16th IB. Kabilang sa mga naging krimen nito sa mamamayan ng MOC ang sumusunod:
    1. Edgar Panagsagan- dinukot at pinatay sa San Jose, Occidental Mindoro noong Pebrero 2003.
    2. Masaker sa isang pamilyang Mangyan (Blanco Massacre) sa Sityo Talayob, Bgy Nicolas, Magsaysay, Occ. Mindoro noong Hulyo 21, 2003 Napatay dito ang buntis na ina, at ang 2 anak niya na 3 taon at 1 taong gulang.
    3. Norberto "Iting" Vargas, magsasaka at taga Iriron, Calintaan ay dinukot ng mga elemento ng 16th IB sa Bgy Iriron, Calintaan noong Enero 9, 2003.
    4. Adrian Alegria, may-asawa at coordinator ng Anakpawis Partylist sa Occidental Mindoro ay dinukot at pinatay ng mga militar sa Sta Cruz, Occ. Mindoro noong Peb 18, 2004.

Hanggang sa kasalukuyan, wala ni anumang natanggap na hustisya ang mga biktimang mamamayan sa ilalim ng kasalukuyang naghaharing rehimeng Macapagal-Arroyo ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Pangungutya pa sa mga biktima pinapurihan at binigyan ng komendasyon at promosyon ang mga pangunahing opisyal ng pasistang batalyon.

Pangunahing layunin ng mga karumal-dumal na krimeng ito ay ang paghahasik ng epektong terror o takot sa mamamayan. Sa kabilang banda, hindi nakakatakot kundi nakakapangalit ang krimen at utang na dugo ng 16th IBPA at ng iba pang sagad-saring pasistang opisyal sa pangunguna ng pekeng Presidenteng si Gloria Macapagal Arroyo at mga bataan nitong sina Norberto Gonzales, Gen. Jovito Palparan, Gen. Pedro Cabuay Jr. Sa gayon, dapat gawin ang lahat ng rebolusyonaryong paraang makakaya upang mapagbayad ng mahal ang pasistang batalyong 16th IBPA at iba pang pasista sa kanilang utang na dugo sa mamamayan.

Armine De Guia
Spokesperson
Apolonio Mendoza Command


Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.