Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

[Tungkol sa Bintang na Pagpatay kay SPO1 Dimalig]

April 27, 2006

Nais naming pabulaan ang bintang ng ilang elemento na ang Bagong Hulbong Bayan (BHB) sa ilalim ng Apolonio Mendoza Command (AMC) ang siyang diumanong responsible sa pagpatay kay SPO1 Dimalig. Pinatay siya ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo at armado ng baby armalite sa bayan ng Candelaria, Quezon, noong Abril 26,2006.

Walang nakasampang demanda at/o idinaos na paglilitis laban kay SPO1 Dimalig sa alinamang yunit ng BHB at o organo ng demokratrikong kapangyarihang pampulitika sa aming saklaw upang magpahintulot na siya ay parusahan ng kamatayan. Sa gayon,walang dahilan upang siya ay parusahan ng kamatayan o targetin ng operasyong militar ng alinman sa aming mga yunit.

Nasa proseso ng pagsisiyasat ang aming mga yunit at rebolusyonaryong mamamayan kaugnay sa motibo at mga salarin ng pagpatay kay SPO1 Dimalig.

Palagiang isinusulong ng rebolusyonaryong kilusan ang patakaran sa pakikipagkaibigan at pakikipag-alyansa sa mga tulad ni Dimalig at ang mga kabilang sa lokal na pwersang pulis at mga pwersang paramilitary tulad ng CAFGU. Hindi sila awtomatikong target ng operasyong militar ng BHB maliban kung sila ay aktwal na kasama sa mga yunit militar na naglulunsad ng operasyong kombat laban sa alinmang yunit ng BHB.

Magiging indibidwal na target lamang sila ng operasyong pamamarusa ng BHB kapag sila ay nahatulan ng kamatayan ng Hukumang Bayan bunga ng naistabilisang walang pasubaling pagkakasala ng malaking krimen laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan ayon sa itinatakdang prinsipyo at proseso ng rebolusyonaryong hustisya.

Kahit ang mga regular na kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police Mobile Group (PNP-MG) at ang mga Special Action Force (SAF) na pangunahing nakatuon sa kampanya laban sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan; laluna yaong kabilang sa paksyong Anti-Arroyo ay sinisikap ng AMC na mabuo ang mga taktikal na koordinasyon at alyansa laban sa peke, pasista, pahirap at tutang rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Bukas ang AMC sa pakikipagusap sa mga kapamilya,kaibigan at kasama sa trabaho ni SPO1 Dimalig upang mabigyang katarungan ang pagpatay sa kanya. Magpaabot lamang kayo ng mensahe sa alinmang yunit ng AMC sa saklaw ng probinsiya ng Quezon para sa nasabing paguusap at pagsasampa ng kaso laban sa mga pinaghihinalaang salarin. Tulad din nito, ibinubukas naming ang aming tanggapan para sa seryosong nagnanais na makipagusap at makipagtulungan para sa interes ng bansa at sambayanan ng mga elementong nagmumula sa AFP-PNP.

Ang mga anak ng magsasaka,manggagawa at mamamayang Pilipino ay nararapat na maglingkod sa interes ng uring magsasaka,manggagawa at mamamayang Pilipino at hindi sa interes ng monopolyo-kapitalistang dayuhan at iilang naghaharing uring panginoong maylupa at burgesya kumprador sa Pilipinas.

Pulis at sundalong Pilipino, ipagtanggol ang interes ng uring anak-pawis at Sambayanang Pilipino!

Armine de Guia
Spokesperson
Apolonio Mendoza Command



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.