|
| Matagumpay na Taktikal na Opensiba sa IsabelaSeptember 24, 2005
Lima ang namatay at di mabilang ang sugatan sa tropa ng AFP sa isang sorpresang reyd na inilunsad ng NPA ngayong 11:30 ng umaga, Sept 24, sa San Carlos, Echague, Isabela. Nasamsam ng NPA ang 1 M60 machine gun at 1 M14 HPR. Kasalukuyang nagpapahinga ang 1 platun na tropa ng AFP nang nilusob sila ng NPA.
Bago nito, namatay sa ambush ng NPA si Korporal Norly Osio, isang elemento ng 54 IBPA, noong Huwebes, Sept 22, ala-una ng hapon, sa Madadamian, Echague, Isabela. Kabilang si Osio sa 2 platun ng 54th IB PA na nag-ooperasyon sa lugar. 1 M16 HPR ang nasamsam ng NPA mula sa AFP. Walang napinsala sa panig ng NPA.
Ang dalawang matatagumpay na aksyong militar ay bahagi ng kontra-opensiba ng NPA laban sa tuluy-tuloy at tumitinding pasistang operasyon ng AFP na nanalasa sa mga sibilyan sa Katimugang Isabela.
Tugon din ito sa panawagan ng mamamayan at ng sentral na pamunuan ng Partido na sagpangin ang inisyatiba at patindihin ang mga taktikal na opensiba sa gitna ng tumitinding krisis at pagkabulok ng rehimeng US-Arroyo.
References:
Delio Baladon Spokesperson NPA Benito Tesorio Command
Salvador Del Pueblo Spokesperson NDF - Cagayan Valley
Back to top
|
|
|
|