Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
Read media release   

Matagumpay na Taktikal na Opensiba sa Isabela

Delio Baladon
Tagapagsalita
Benito Tesorio Command
26 Setyembre 2005


Limang tropa ang namatay at di mabilang ang sugatan sa tropa ng AFP sa isang sorpresang reyd ng NPA ngayong 11:30 ng umaga, Sept 24, sa San Carlos, Echague, Isabela. Nasamsam ng NPA ang 1 M60 machine gun at 1 M14 HPR.

Kasalukuyang nagpapahinga ang 1 platun na tropa ng AFP nang nilusob sila ng NPA.

Bago nito, namatay sa ambush ng NPA si Korporal Norly Osio, isang elemento ng 54 IBPA, noong Huwebes, Sept 22, ala-una ng hapon, sa Madadamian, Echague, Isabela. Kabilang si Osio sa 2 platun ng 54th IB PA na nag-ooperasyon sa lugar. 1 M16 HPR ang nasamsam ng NPA mula sa AFP. Walang napinsala sa panig ng NPA.

Ang dalawang matatagumpay na opensiba ay tugon sa panawagan ng sentral na pamunuan ng Partido na sagpangin ang inisyatiba at patindihin ang mga taktikal na opensiba sa gitna ng tumitinding krisis at pagkabulok ng rehimeng US-Arroyo.

Bahagi din ito ng kontra-opensiba ng NPA laban sa tuluy-tuloy at tumitinding pasistang operasyon ng AFP na bumibiktima sa mga sibilyan sa Katimugang Isabela.


Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.